Eala keber maging mukha ng Philippine lawn tennis
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing.
“I don’t see it as pressure, honestly,” tugon ng 15-anyos, tubong Quezon City at PH lawn tennis sensation kay 2019 Southeast Asian Games gold medalist (men’s doubles) Francis Casey Alcantara sa Tennis Talk stream sa nagdaang Biyernes na napanood ng Opensa Depensa.
Idinagdag pa ng Globe ambassadress at Rafael Nadal Academy (RNA) scholar, na hindi niya kailangang maging perpekto sa bawat torneong nilalahukan sa kasalukuyan sa Europe at hindi rin niya iniisip na makarating palagi pataas na isa sa rason kaya mabuti ang nagiging mga laban bukod pa kawala niyang dapat na patunayan kaninuman.
Buhat sa WTA world No. 903 ranking, umakyat ng 140 pataas si Eala na ngayo’y nsa No. 763 makalipas ang lamang professional event na nilaruan sa taong ito, tampok ang kampeonato sa International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament first leg sa Spain noong Enero.
Nakatakdang talupan ng Pinay netter ang ikalawang sunod niyang ITF W25 Manacor pro tourney sa Spain sa linggong ito Miyerkoles, Marso 10 ng gabi.
Mula sa OD, good luck sa iyo Alex. (REC)
-
Pormal nang inihain ang impeachment complain laban kay VP Sara Duterte sa Kamara
PORMAL na naghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang ilang civil socity organizations (CSOs), religious leaders, sectoral representatives at pamilya ng tokhang victims sa Kamara. Pasado alas-2 ng hapon ng sama-samang nagtungo ang iba’t ibang grupo kasama na si dating senadora Leila de Lima at Akbayan Party List […]
-
Kaso vs Duterte, iba pa ikinakasa na ni De Lima
NAKATAKDANG magsampa ng kaukukang kaso si dating senador Laila de Lima laban sa mga taong nagsangkot sa kanya sa kasong illegal drug trade sa pangunguna ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sinabi ni De Lima sa isang press conference sa Quezon City kaugnay ng epektong idinulot sa kanyang buhay at sa pamilya […]
-
Matapos magbitiw ng nakakainsultong pahayag sa mga guro ukol sa education aid payout: Tulfo, nag- sorry
NAG-SORRY si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa mga guro dahil sa kanyang nakakainsultong pahayag sa mga ito kaugnay pa rin sa pamamahagi ng educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Humingi ng paumanhin si Tulfo sa grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC). […]