• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics organizers walang papayagan audience mula sa ibang bansa

Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics.

 

 

Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin.

 

 

Sinabi ni Seiko Hashimoto ang pangulo ng Japanese committee na gagawin ang torch relay ng walang audience para hindi na sila mangamba sa pagkahawa at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Magugunitang umabot sa $15 billion ang nagastos ng gobyerno mula ng kanselahin ang Olympics noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Gaganapin ang opening ceremony ng torneo sa Hulyo 23.

Other News
  • Nagsalita sa sobrang closeness nila ni Piolo… RON, pinapangarap na makasama rin sa movie si KATHRYN

    ISA si Ron Angeles sa sumuporta sa Gala Premiere ng ‘Kono Basho’ noong August 6 na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay, na kung isa ito sa naging entry sa katatapos lang na ‘Cinemalaya XX’ na mula sa Project 8 Projects at Mentorque Production.       At sa naging tsikahan namin bago ang premiere […]

  • Pingris handang tulungan ang FEU

    HANDA si Marc Pingris na tulungan ang Far E­astern University (FEU) Tamaraws sa kampanya nito sa UAAP men’s basketball tournament.     Inimbitahan ng pamu­nuan ng unibersidad si Pingris na maging bahagi ng coaching staff upang mas lalong mapalakas ang Tamaraws sa mga susunod na edisyon ng UAAP.     “Handa naman ako pero pag-uusapan […]

  • Mens football team mas gumanda na ang performance

    IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan.     Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand.     Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto.     […]