• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, ipinagmalaki na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga durugista

IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga drug users o durugista sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

Iyon ay sa kabila ng kanyang pag-amin na nananatili ang Pilipinas “in the thick of the fight against shabu.”

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay muling binigyang diin nito ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

 

Tinukoy nito ang kamakailan lamang na report ng Dangerous Drugs Board, Duterte kung saan ay pumalo sa 1.67 milyong Filipino na may edad na 10 hanggang 69 ang kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga.

 

“In the past, ‘yung panahon nina [Ronald] Dela Rosa umabot na ng almost 4 million and how much has been reduced in the use of shabu, I really do not know until now, but we are still in the thick of the fight against shabu,” ayon sa Chief Executive.

 

Noong nakaraang buwan, iniulat ng Human Rights Watch na ang drug war killings ay tumaas ng 50 percent kahit na nasa gitna ng coronavirus pandemic.

 

Inulit naman ng Punong Ehekutibo ang posisyon nito na handa niyang panagutan ang pagdanak ng dugo dahil sa drug war sa ilalim ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

 

“You can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war, pero ‘wag ninyo akong bintangan diyan sa patayan na hindi ninyo alam kung sino ang pumatay,” ayon sa Pangulo. Itinanggi naman nito na sangkot siya vigilante killings.

 

“Payag ako, just charge with the correct indictment. ‘Wag ‘yung basta basta lang kayo magsabi na ‘crime against humanity.’ Kailangan pa naging humanity itong p— inang mga drugs na ito,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Sinabi pa ng Pangulo na nitong nakalipas na mga buwan ay hindi siya nag- commit ng murder o hiniling sa kahit na kaninuman na pumatay.

 

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang nga magulang na mas pakialaman ang buhay ng kanilang nga anak para iligtas ang mga ito mula sa drug addiction.

 

“Parents should have also a shared responsibility. Dapat kayo rin ang masisi nito kung… pinabayaan ninyo. Check on your children. Always supervise, check kasi diyan ninyo mapangalagaan ang kapakanan ng anak ninyo,” ayon sa Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools ‘dahil sa halalan’

    SUSPENDIDO ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa buong Pilipinas sa halos kalahati ng buwan ng Mayo kaugnay ng ikakasang pambansang eleksyon 2022, ayon sa Department of Education (DepEd).     “Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022,” paalala ng Kagawaran sa publiko, […]

  • Noontime Princess ng TV5, aarangkada na: MILES, ‘di apektado sa ‘joke’ ni JOEY dahil bawal ang pikon sa Dabarkads

    HINDI pa rin makapaniwala ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo kaya naluha-luha siya nang ipakilala bilang bida ng teleseryeng ‘Padyak Princess’, na mapapanood na simula ngayong Lunes, June 10.       Say pa ng award-winning actress, “Naiyak po talaga ako nung i-present sa akin. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera […]

  • P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank

    INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya.     Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises.   […]