100 pang frontliners sa Navotas, binakunahan ng AstraZeneca
- Published on March 12, 2021
- by @peoplesbalita
Isa pang batch ng100 frontliners ng Navotas City Hospital (NCH) ang nakatanggap ng CoronaVac shot sa lungsod, nitong Martes.
Sinaksihan ni Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 and testing czar, Sec. Vince Dizon, at DeparTment of Health-National Capital Region Director, Dr. Corazon Flores, ang vaccination sa Navotas Polytechnic College.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang national government sa pagbibigay sa Navotas ng 200 doses ng CoronaVac vaccines.
“We have a surge of COVID cases that’s why I asked our national government to send us 153 more doses to cover the rest of our hospital workers. I am thankful that earlier today, they have sent 320 shots of AstraZeneca, which will cover the first and second doses of the remaining 153 personnel,” sabi niya.
“We want to make sure that our frontliners are protected as they fulfill their duty and take care of our patients,” dagdag niya.
Nasa 353 ang empleyado ng NCH at 100 sa mga ito ang unang nakatanggap ng CoronaVac vaccine noong nakaraang Biyernes. (Richard Mesa)
-
CICC, hiniling sa Japanese govt na imbestigahan ang panlolokong bomb threats
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas. “Efforts are now on the way to request the Japanese government to investigate thoroughly and identify the sender,”ayon sa kalatas […]
-
Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso
UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae). Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre […]
-
Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B
UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023. Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46. Ang mataas na koleksyon ng buwis sa […]