• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOT: ‘Pag-require ng RT-PCR test sa mga turista, nakadepende na sa mga LGUs’

Nasa kamay na umano ng mga lokal na pamahalaan kung kanilang ire-require ang mga turista na sumailalim sa RT-PCR COVID-19 test bago payagang makapasok sa kani-kanilang mga lugar.

 

 

Ito ang binigyang-diin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa nangyaring distribusyon ng cash assistance sa mga tourism workers sa lalawigan ng Rizal.

 

 

Ayon kay Puyat, mga local government units na rin daw ang bahala kung anong klaseng RT-PCR test – kung saliva o swab – ang kanilang ire-require sa mga biyahero.

 

 

Inilahad din ng kalihim na may mga LGUs ang ayaw pang magbukas kahit na nasa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga ito dahil hindi pa sila handang buksan ang kanilang lugar sa mga turista.

 

 

May ilan din namang LGUs ang gusto nang tumanggap muli ng mga turista at hindi na raw kailangan pang magpa-test bago bumiyahe.

 

 

Sinabi pa ni Puyat na may ilan pa ring mga destinasyon na nag-oobliga pa rin ng RT-PCR test, tulad ng Boracay; Bohol; El Nido, Coron, San Vicente, at Puerto Princesa sa Palawan; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Pangasinan; La Union; Siargao; Siquijor; Dumaguete; at Iloilo.

Other News
  • Casimero kakasahan si Inoue kahit saan

    ATAT pang makipagsuntukan si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero, lalong sa madaling panahon laban kay Japanese Monster Naoya Inoue.   Ayon kamakalawa sa 30-year- old Ormoc City boxer, kahit siya pa mismo ang mag-adjust at pumunta sa bahay ng Hapones gagawin niya makaumbagan lang niya ito at magkalaaman kung sino ang […]

  • LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations

    MAKARAANG  mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.     May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod […]

  • YASMIEN, apaw ang saya na ibinahagi sa vlog ang kanyang dream yellow car; bukod pa sa excitement sa bagong serye

    NAG-UUMAPAW pa rin sa saya si Kapuso actress Yasmien Kurdi sa natanggap na gift galing sa asawa na si Rey Soldevilla na ‘dream car’ niya.     Matapos ngang I-post ni Yas sa kanyang Instagram ang photos ng kanyang brand new car, na-upload na rin niya ito sa kanyang YouTube vlog na may caption, “Yehey! […]