Eala sablay sa ‘Sweet 16’
- Published on March 12, 2021
- by @peoplesbalita
Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi.
Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic scholar at Globe ambassadress, ng 20-taong-gulang at WTA No. 283 sa pamamagitan ng liksi’t bangis sa baseline game.
Bigong masundan ni Eala ang 6-1, 6-4 na pagsibak kay Walterts sa ITF W25 Manacor World Tour nitong lang Marso 2 sa Round-of-32 match.
Ito ang pang-anim na professional netfest ni Eala sa taong ito. Ang unang career win ay nito lang Enero. (REC)
-
LeBron, maaari nang maglaro matapos ang 8 negative COVID-19 results – NBA
Binigyan na ng “go signal” ng NBA (National Basketball Association) na muling makalaro ang basketball superstar na si LeBron James matapos magpakita ng walong negative results sa kanyang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) tests. Dahil dito, inaasahan na muling makakasama ng Los Angeles Lakers si LeBron sa laro bukas kontra sa mahigpit na karibal […]
-
Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang importanteng pondohan ang family planning
HALOS siyam sa 10 Filipino adults ang naniniwala na importanteng paglaanan ng gobyerno ng sapag na pondo ang modern methods ng family planning. Batay sa lumabas na March 2022 Pulse Asia Survey, 88% ng respondents ang naniniwala na dapat maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa modernong pamamaraan ng family planning, tulad ng […]
-
DOH: Pekeng gamot naglipana sa online shopping
NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DOH) sa pagiging talamak na sa mga “online shopping platforms” ng mga ibinibentang pekeng gamot na tumindi nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya. Ayon sa DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang […]