• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Pekeng gamot naglipana sa online shopping

NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DOH) sa pagiging talamak na sa mga “online shopping platforms” ng mga ibinibentang pekeng gamot na tumindi nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

 

 

Ayon sa DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

 

 

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death,” ayon kay Vergeire.

 

 

“Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas maraming gumagawa ng counterfeit,” ayon kay FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

 

 

Sa datos ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, umabot na sa P53 milyong halaga ng pekeng COVID-19 test kits ang nakumpiska nila mula noong 2020. Ngunit sa mga kasong naisampa, nasa 24% na ang nadismis dahil sa kakulangan ng sertipikasyon ng mga manufacturer na peke ang kanilang nakumpiskang mga ebidensya.

Other News
  • Pacquiao No. 4 sa GOAT list

    Pasok si Manny Pacquiao sa Top 25 Grea­test Boxers of All Time ng isang online site dahil sa tagumpay na nakamit nito at sa kontribusyon nito sa mundo ng boksing.     Inokupahan ni Pacquiao ang ikaapat na puwesto sa ilalim ng nangunang sina No. 1 Muhammad Ali, No. 2 Sugar Ray Robinson at No. […]

  • Binalikan ang ‘yatch date’ na promo ng movie: SAM, ‘di nagkamali sa pagsasabi noon na sisikat si ALDEN

    SAKSI kami sa naging yacht date noon nila Alden Richards at Sam Pinto.     Nangyari iyon noong 2011 at magkasama sina Alden at Sam sa pelikulang ‘Tween Academy: Class of 2012’ ng GMA Films.     Nabanggit kasi sa isang interview ni Alden na isa sa crushes niya during that time ay si Sam […]

  • LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET

    SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET). Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay […]