Ramirez humihirit pa ng P1B badyet para sa PSC
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Kongreso na madagdagan pa ng pondong P1.1B para sa 2021 badyet sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Ipinaliwanag ni nitong Biyernes, na ang P207M 2021 PSC budget na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM), ay nakalaan lang para sa management at operational expenses ng ahensiya.
Kabilang doon ang pasuweldo at bayarin sa regular employees at maintenance sa sports facilities na gaya ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila, PhilSports Complex (PSC) sa Pasig at Teachers’ Camp sa Baguio.
Mahigit kalahati ng P1B additional funds na nais ng PSC ang mapupunta naman para sa paghahanda at aktuwal na partisipayon ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021, 16th Paralympic Games 2021 na parehong parehong nakatakda sa Tokyo, Japan;
Gayundin para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam, ASEAN Para Games, 6 th Asian Beach Games 2021 sa Sanya, China at 6 th Asian Indoor and Martial Arts Games 2021 sa Bangkok- Chonburi, Thailand.
Hinirit ng opisyal na kailangan ng PSC ng P150M para sa Tokyo Olympic Games at P100M para sa sa pagtatanggol ng ‘Pinas sa titulo ng SEA Games.
Ang natitirang kalahati ay para naman sa PSC projects pati na rin sa naudlot na renobasyon o kumpuni ng RMSC at PSC.
Dalangin kong pakinggan ng mga pulitiko natin ang pakiusap ng PSC para sa kabutihan ng ating mga atleta at patuloy napagangat ng PH sports. (REC)
-
Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro
BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang. Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]
-
La Salle ibinunton ang galit sa UST
IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nasandalan ng Green Archers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat […]
-
Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko
PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary. Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]