• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inaasahan na magdedesisyon sa Abril ukol sa quarantine restriction

INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya upang tulungan ang mga tao na nagugutom na makapagtrabaho sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 case at ang kakulangan ng suplay ng bakuna.

 

“Quarantine classifications are decided on a monthly basis. So, we are looking at opening the economy by April. It is still mid-March,” ayon kay Sec. Roque.

 

Aniya, ang pag-extend ng lockdowns ay nangangahulugan ng pinahabang mga paghihirap.

 

Magkagayon man, mahigpit naman na mino-monitor ng pamahalaan ang two-week attack rate, daily attack rate, at health care utilization rate ng bansa bilang bahagi ng pagsusuri kung handa na ba ang bansa sa transisyon sa itinuturing na “most relaxed” Modified General Community Quarantine (MGCQ) status.

 

Sa ilalim ng MGCQ, ang isang lugar ay maaari lamang i-occupy ng hanggang 50%.

 

Nananatili naman ang posisyon ni Sec. Roque na ang pagpapaluwag sa quarantine restrictions ay hindi nangangahulugan na iko-kompromiso na ang kalusugan ng populasyon dahil natuto na aniya ang bansa na iakma ang situwasyon sa mag-iisang taon ng pandemiya sa bansa.

 

“We already know our enemy and we know how to live in situation of pandemic,” aniya pa rin.

 

“Alam natin na lalong nakakahawa ang sakit, pero habang handa tayo magbigay ng tulong sa mga seryosong magkakasakit, tuloy-tuloy ang hanapbuhay ng ating mga kababayan. Kaya po natin ito, ingat buhay para sa hanapbuhay,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ramirez maayos na iiwan ang PSC

    SA HUNYO ay magtatapos ang termino ni William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa kanyang apat na Commissioners.     Kaya naman nagpaalam na siya kina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin pati na sa Philippine Olympic Committee (POC), mga sports associations at mga national […]

  • IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply

    IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply ng isa sa tatlong bagong bukas na pumping station na matatagpuan sa Judge Roldan sa Brgy. San Roque, kasunod ng blessing at inauguration nito. (Richard Mesa)

  • James kinampihan ang ‘Pinas

    MALINAW  para kay Philippine Basketball Association ( PBA) rookie aspirant James Laput ang kanyang kinampihan sa naganap na International Basketball Association (FIBA) basketbrawl ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers noong Hulyo 2018 sa Philippine Arena sa Bulacan.     Isang Pilipino-Australian na ipinangak at lumaki sa Perth ng Down Under mula sa mga magulang na […]