James kinampihan ang ‘Pinas
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
MALINAW para kay Philippine Basketball Association ( PBA) rookie aspirant James Laput ang kanyang kinampihan sa naganap na International Basketball Association (FIBA) basketbrawl ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers noong Hulyo 2018 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Isang Pilipino-Australian na ipinangak at lumaki sa Perth ng Down Under mula sa mga magulang na mga tubong Bulacan at Caloocan, nausisa ng isang online news nitong isang araw kung saan sa papanig papanig ang basketbolista sa rambol noon ng mga Pinoy at Australiyano.
“Philippines — because at the time, we’re playing basketball in the Philippines… that is just the Filipino way, that is the Filipino physicality of things,” bulalas ni Laput na 24 na taong gulang at may taas na 6-8.
Hinirit pa ng beterano ng PBA Developmental League o D-League (PBADL) sa paglalaro sa Marinerong Pilipino Skippers at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa De La Salle University Green Archers: “To be honest, I remembered watching that, the striking blows are really the Australians, I saw that.”
Nauwi ang riot ng dalawang national men’s basketball squad sa suepensiyon ng 13 manlalaro na ang 10 ay sa host team, pinakamabigat ang anim na laro para kay Calvin Abueva. Namultahan pa ng milyones ang magkabilang panig.
“I was for the Philippines at that time, and now because that is just the Filipino ‘puso’,” wakas na wika ni Laput.
Nakatakda naman ang 36th PBA Draft 2021 sa darating na Marso 14. (REC)
-
Ads September 18, 2023
-
DAKOTA FANNING REUNITING WITH DENZEL WASHINGTON IN “THE EQUALIZER 3 WAS A SPECIAL THING TO SEE
SINCE co-starring as a child actress with Denzel Washington in the 2004 film Man on Fire, Dakota Fanning has kept in touch with the veteran actor. “I’ve known Denzel for a big part of my life,” says Fanning. “One of his daughters is one of my closest friends, so I’ve always been in […]
-
2 kaso ng COVID-19 ‘Indian variant,’ naitala na sa Pilipinas: DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang dalawang Pilipino na nag-positibo sa B.1.617, ang variant ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa India. “Kasunod ng isinasagawa nating purposive genomic sequencing ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa mga inbound travelers na dumating sa bansa noong Abril na may […]