GABBY, nagtataka kung bakit hindi pa nagkaka-boyfriend si SANYA
- Published on March 15, 2021
- by @peoplesbalita
NGAYON gabi na, March 15, ang world premiere ng inaabangang romantic-comedy series na First Yaya ng GMA Network na first time pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Gumaganap si Gabby bilang si President Glen Acosta, at si Sanya bilang si Yaya Melody. Malakihan ang produksyon dahil sa tema at sa iba’t ibang malalaking lugar sila nag-lock-in taping, as far as San Fernando, La Union at isa sa hotel na ginamit nilang location ay ang Manila Hotel.
Madaling nagkapalagayang-loob sina Gabby at Sanya kahit first time pa lamang nilang nagkatrabaho.
Ayon kay Yaya Melody, hindi raw mahirap pakisamahan ang Kapuso actor.
“Hindi rin ako nahirapang maka-connect sa kanya, pero noong una medyo kinakabahan pa ako, nahihiya ako sa kanya, pero siya ang unang nag-approach, at nakita kong malambing siya, gentleman.”
Madali raw namang mahalin si Sanya, sabi ni Gabby, “kaya nagtataka ako, na NBSB (No Boyfriend Since Birth) pala siya. She’s very simple, mabait, kalog din, health conscious, no wonder siya ang pinili ng management na gumanap sa role ni Yaya Melody.”
Thankful naman si Sanya, dahil for the longest time na gumagawa siya ng serye sa GMA Network, lahat dramatic, kaya nang magsimula na silang mag-taping, biro raw niya sa mga kasama, ”guys, marunong na akong mag-comedy.”
Malaki rin ang casting ng rom-com series na First Yaya na dinidirek ni LA Madridejos, sa GMA-7 after ng 24 Oras.
***
BUMALIK na si Alden Richards sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, last Thursday, March 11, since wala pang balita kung kailan matutuloy ang lock-in shoot nila ni Bea Alonzo ng A Moment To Remember, ang Pinoy adaptation ng Korean movie na ipu-produce ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment. May tentative schedule ito ng March 14,
Pero mas gusto ng mga producers na maipalabas ito sa mga sinehan, pero paano, hindi na naman pinayagan ang mga theater owners na magbukas ng kanilang mga cinemas, lalo ngayon, na mas mataas pa ang Covid-19 cases kaysa noong 2020 na nagsimula rin ang pandemic ng March.
Kaya naman tuloy muna si Asia’s Multimedia Star sa pagsu-shoot ng mga bagong TVCommercials at naghahanda na rin sa gagawin niyang teleserye sa GMA-7 na naka-schedule na raw magsimula ng lock-in taping next month, April, dahil ang airing nito ay sa July, 2021.
Ang huling ginawang teleserye ni Alden ay ang The Gift in 2019, na nagbigay sa kanya ng TV awards in 2020.
***
SIMULA na ng finale week ngayong gabi nang sinubaybayang high-rating GMA Telebabad na Love of My Life nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at ni Ms. Concy Reyes.
Last week napuno ng luha ang mga eksena na ayon sa mga netizens ay iniyakan nila talaga. Ang mga aabangang pangyayari, makaligtas kaya si Adelle (Carla) sa tiyak na kamatayan sa pagsisilang niya ng kanyang baby sa yumaong asawang si Stefano (Tom Rodriguez), nasaan ba talaga si Nikolai (Mikael), na siyang naging dahilan ng malaking galit ni Kelly (Rhian) kay Adelle, dahil iniwan siya nito kahit ikakasal na sila.
Wish pa rin ng mga netizens ay happy ending at maging sina Adelle at Nikolai na dahil mahal nila talaga ang isa’t isa.
Mapapanood ito pagkatapos ng world premiere ng First Yaya, sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)
-
EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland
Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland. Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters. Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond […]
-
Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000
Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas. Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa. Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo. Dahil dito […]
-
Country classification, suspendido simula Pebrero 1
SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159. Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na […]