Pontillas dagdag lakas sa Sta. Lucia Lady Realtors
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN ng armas ang Sta. Lucia Lady sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mayo sa pag-anib ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Aiza Maizo-Pontillas.
Isiniwalat nitong Biyernes ng Lady Realtors ang paglambat sa bagong sandala na aayuda kina stalwarts Mika Aereen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Amy Ahomiro.
“We are proud and excited to welcome you into the team!” pagbubunyag ng Realtors sa social media accounts. “Your leadership, skills, and character will be a boost to our 2021 campaigns! Let’s get it! #thisisStaLucia.”
Pinakahuling hinambalusan ni Pontillas, 33, at 5-10 ang taas, ang Petron Blaze Spikers sa 8th PSL Grand Prix 2020 na kinansela pagkraan sanhi ng Coronavirus Disease 2019.
Ang iba pang bagong dating sa Realtors ay sina Jonah Sabete at Kai Baloaloa. Lumipat na rin ang team mula PSL pa-PVL na magti-training camp bubble na sa Abril. (REC)
-
New Posters of ‘Hotel Transylvania: Transformania’ Unveils Monster & Human Mashups
TRANSFORM your year with the Drac Pack as Columbia Pictures launches two new posters for the highly awaited comedy-adventure Hotel Transylvania: Transformania. Check out the one-sheet artworks and watch the film in Philippine cinemas soon. See the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=2fIBGNbgKrI Drac and the pack are back, like you’ve […]
-
IMMIGRATION MODERNIZATION ACT, IPASA NA
MISMONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang humikayat na sa mga mambabatas na ipasa na ang Immigration Modernization Act, kapalit ng 82-taon nang lumang immigration law. Sa kanyang second State of the Nation address, inulit ni Pangulong Bongbong na kinakailangan nang ipasa ang bagong batas. Nagpapasalamat naman ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco […]
-
Fernando, Cardenas, inilunsad ang Bulacan Republicans para sa NBL season 4
LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad nina Gob. Daniel R. Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owner ang Bulacan Damayan Republicans, kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League Season 4 at binuksan ang try out sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, Lunes ng umaga, para sa mga nagnanais na mapabilang sa team. Sinabi ni Fernando […]