Tatalakayin ng IATF: posibleng paghihigpit sa pagpapa-uwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa iba’t ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na maitawid ang Kuwaresma sa kani-kanilang mga probinsiya.
Aniya, isang collegial body ang Inter-agency Task Force (IATF) na kailangang magkasundo sa isang desisyon para sa isang usapin gaya halimbawa ng magiging pag- uwi ng mga kababayan natin ngayong Holy Week.
“Hindi ko po masasagot iyan dahil ang IATF po ay isang collegial decision at kinakailangang pagkasunduan pa iyan, dito sa darating na huling linggo ng Marso,” ang pahayag ni Sec.Roque.
Magkagayon man, naniniwala naman si Sec. Roque na dahil sa walang trabaho sa nalalapit na pista opisyal ay magkakaroon ng less mobility ang mga tao.
Giit ni Sec. Roque, kailangan ito para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
“Pero siyempre po lahat po tayo looking forward to Holy Week, kasi sa Holy Week naman talaga walang trabaho, so parang magkakaroon po talaga tayo ng less mobility. At iyan po ang kinakailangan natin ngayon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Hero’s welcome kay Yulo ikinakasa sa Maynila
NAGHAHANDA na ang mga Manileño sa gagawing hero’s welcome para kay Carlos Edriel “Caloy” Yulo makaraang masungkit nito ang gold medal sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympic nitong Sabado. “Manileño po si Caloy Yulo. Taga-Leveriza. Kaya sobrang proud at happy po kami para sa kanya,” pahayag ni Manila 3rd […]
-
DepEd bumili ng P2.4 bilyong halaga ng ‘pricey, outdated’ laptops para sa mga guro noong 2021
BUMILI ang Department of Education (DepEd) ng P2.4 bilyong halaga ng “outdated at pricey laptops” para sa mga guro para sa implementasyon ng distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa 2021, napuna ng komisyon ang ginawang pagbili ng DepEd ng P2.4 bilyong […]
-
Malakanyang, walang nakikitang dahilan para baguhin ang liderato ng DoH
WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para baguhin ang liderato ng isang departamento habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic. Pinasaringan kasi ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DoH) gamit ang kanyang Twitter account. “It is contrary to the basics of medicine to change leadership in the middle of the pandemic. I […]