• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 17th, 2021

Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong.

 

 

Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan para sa No. 1 selection ng second round o 13th overall choice si Brian Enriquez.

 

 

Nakakampanya para sa Far Eastern University Tamaraws  ang Fil-Norwegian na si Holmqvist, pandagdag na size ng Gin Kings sa gitna pamalit sa bagong dating na si Christian Standhardinger. May disenteng perimeter shooting ang 25-anyos na sentro.

 

 

Pero ayaw pa niyang malaki ang asahan kaagad sa kanya ng alak. Mas gusto niyang hasain pa ang kanyang laro ngayong napunta sa crowd favorite squad.

 

 

“I’m gonna work on my game everyday,” bulalas niya via Zoom.

 

 

Hindi rin matunog ang 6-3 Fil-Am guard na si Enriquez, pero maayos ang kredensiyal bilang produkto ng United States National Collegiate Athletic Association Division II school William Woods University sa Missouri.

 

 

Nakapasa aniya aniya na ang pinakasikat na koponan pa sa propesyonal na liga ang kumuha sa kanyang serbisyo.

 

 

“I wanna thank coach (Earl Timothy) Tim Cone and the Ginebra family for taking a chance on me. I’m just really grateful and blessed,” lahad ni Enriquez, 25, sa Zoom din. “I’m just really looking forward to learning the culture of basketball here.”

 

 

Sa April 11 pa magbukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup. (REC)

Magkapatid arestado sa baril at shabu sa Valenzuela

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang isang wanted person at kanyang kapatid na babae matapos makuhanan ng baril at higit P.5 milyon halaga ng shabu makaraang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest kontra sa isa sa mga suspek sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jeremy Flores y Elefanio, 28, at Baby Elefanio, 25, kapwa ng 2637 Liko St. Brgy. 210, Zone 19 Tondo Manila.

 

 

Sa imbestigasyon PSSg Carlos Irasquin Jr., dakong 8:30 ng gabi nang isilbi ng pinagsamang mga tauhan ng Manila Police District DID-Anticrime sa pangunguna ni PLT Mark Xyrus Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Levi Hope Basilio at Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Rosanna Fe Romero-Maglaya ng RTC Branch 88, Quezon City para sa kasong Frustrated Murder at Robbery with Homicide na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeremy sa kahabaan ng Upper Tamaraw Hills, Brgy. Marulas, Valenzuela City.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang isang itim na sling bag na naglalaman ng dalawang caliber 38 revolver at 12 piraso ng bala.

 

 

Gayunman, habang inaaresto ang suspek ay tinangkang pigilan ni Baby ang mga arresting officer kaya’t napilitan ang mga pulis na dakpin ang bebot dahil sa paglabag sa obstruction of justice.

 

 

Narekober sa kanya ang isang kulay brown LV sling bag na naglalaman ng pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 82 gramo na may standard drug price na P557,600.00 ang halaga at assorted cards.

 

 

Kasong paglabag sa RA 10591 ang isinampa ng pulisya kontra kay Jeremy habang paglabag naman Obstruction of Justice at RA 9165 ang isinampa laban kay Baby sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Saso biniyayaan ng P480K

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAANGAS ang third and final round ni Yuka Saso na three-under par 69 patungo sa total 214 pero kumasya lang iyon para sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1,080,000 (P480K) bawat isa sa pagrolyo ng 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 14.

 

 

Iwan lang ang 19-anyos na Fil-Japanese mula sa San Ildefonso, Bulacan ng apat na hampas sa Haponesang si Inami Mone na nanaig sa playoffs sa kalahi niyang si Kana Nagai mula sa pagkakabuhol  nila sa regulation play sa tig-201 aggregate mula sa napalong 76 at 73, ayon sa pagkakabanggit.

 

 

Nasa radar din ng top Philippine rookie professional na si Saso ang T Point X Eneos Golf Tournament darating na Marso 19-21 sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, ang ikatlo niyang lalaruan sa taong ito sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21.

 

 

Sumablay siya sa cut sa pagsosyo lang sa eight-way tie sa 63rd spot sa 107-player The 34th Daikin Orchid Ladies Golf Tournament 2021 noong March 4-7 sa Rykyu Golf Club sa Okinawa Prefecture. (REC)

HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok.

 

 

 

Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na alas 4 ng umaga pa lang ay kailangan nang mag-abang ng masasakyan dahil sa hirap nga sumakay. Kung mamarapatin po sana ng mga Mayor ng NCR na gawin hanggang 4 AM na lamang ang curfew para sa mga pasahero na maaga ang pasok sa trabaho.

 

 

 

Marahil ang isang oras na ito ay hindi naman pagmumulan ng maraming hawaan, bagkus ay malaking bagay ito dahil hindi maiipon sa lansangan ang mga pasahero at hindi nga sila magkakasabay-sabay sa lansangan. Oo at maari naman na ma-exempt sila kung may ID o pass pero abala pa yan sa pagsisita ng kapulisan.  Ang kailangan ay hindi magtagal ang pasahero sa kalye sa pag-aabang ng masasakyan.  Dito kasi nawawala ang social distance lalo na ksoag nagagawan ng masasakyan.

 

 

 

Ang mungkahi rin ng LCSP ay i-enganyo na mag carpooling ang mga tao.

 

 

 

At kung mag-aambag man sa pang-gasolina ang mga isasakay ng mga nagmagandang loob na mga may-ari ng sasakyan ay huwag naman hulihin dahil sa pagturing na nangongolorum sila.  Marami ang tunay na colorum na talagang gawang iligal at hindi mahuli-huli dahil sa may mga timbre sila at lagay sa mga swapang at corrupt. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Walang sorpresa sa PBA Draft 1st round

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nakakagulat na hakbang sa first round ng virtual proceedings ng 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City kung saan naka-Zoom lang mga aplikante nitong Linggo.

 

 

Hindi pinalampas ng Terrafirma si Joshua Munzon bilang top pick, No. 2 si Jamie Malonzo ng NorthPort, kinalabit ng North Luzon Expressway o NLEX sa No. 3 si dating National Collegiate Athletic Association Most Valuable Player Calvin Oftana buhat sa San Beda University;

 

 

Si guard Mikey Williams ang kinontak ng Talk ‘N Text sa No. 4, si 6-foot-4 De La Salle University Center Santi Santillan ang biningwit ng Rain or Shine sa No. 5, kinuha ng Alaska Milk ang karapatan sa No. 6 para kay 6-7 center Ben Adamos ng University of Perpetual Help.

 

 

Isa pang center ang kinalawit ng Phoenix sa No. 7, si 6-6 Larry Muyang mula sa Letran College, lumanding si University of the East hotshot Alvin Pasaol sa No. 9 pick para sa Meralco.

 

 

Naubusan n a nang laking kursunada, Plan B ang kinilos ng Magnolia Hotshots sa pagtapik kay shooter Jerrick Ahanmisi sa No. 10, sentro ang dinagit ng Barangay Ginebra San Miguel sa No. 12, si 6-8 Fil-Norwegian Ken Holmqvist na naglaro sa Far Eeastern University.

 

 

May tig-isang picks ang first four teams sa Special Draft para sa Gilas Pilipinas o national men’s basketball team na ginawa ng propesyonal na liga para sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc.

 

 

Lagak sa Dyip si Jordan Heading, si William Navarro sa Batang Pier, si Tzaddy Rangel sa Road Warriors at si Jaydee Tungcab sa Tropang Giga.

 

 

Makikipag-agawan ang 65 na mga nabunot mula sa 86 na apllicants ng team spot nila sa regular at vgeteran free agents ng 12 koponan patungo sa pagbubukas ng liga sa Abril 11.

 

 

Mula sa Opensa Depensa, may the best best win na lang. (REC) 

DOTr: Drivers at operators ng mga PUVs dapat sumunod sa seryosong paglilinis ng mga sasakyan

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) na seryosong maglinis o mag disinfect ng mga kanilang mga sasakyan.

 

 

Hiniling ito ng DOTr matapos na mahuli at makita sa isang video ang tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na mabilis lamang nitong nililinis ang mga coaches o bagun ng MRT 3.

 

 

Kamakailan lamang ay may nag upload ng isang video sa social media kung saan ipinakikita ang dalawang tauhan ng MRT 3 na dali-daling naglilinis at naglalaro pa habang naglilinis sa loob ng MRT 3.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade na ang mga operators at drivers ng mga pampublikong sasakyan ay dapat mas maging masigasig sa paglilinis ng mga sasakyan bilang bahagi ng health protocols laban sa COVID-19.

 

 

“The proper disinfection of public transport vehicles is a key factor in keeping our commuters safe from COVID-19. We should not to be hasty in the cleaning and disinfection of our vehicles,” wika ni Tugade.

 

 

Ayon pa rin sa kay Tugade ang mga commuters ay nagtitiwala na ang jeepneys, buses, at iba pang pampublikong sasakyan na kanilang pinatatakbo ay ligtas at walang virus.

 

 

Dahil sa insidente sa MRT 3 and pamunuan ng MRT 3 ay naglatag ng mga measures upang hindi na maulit ang pangyayari. Ang nasabing mga tauhan ay maaaring matanggal at makasuhan.

 

 

Sa isang liham naman na pinadala ng pamunuan ng MRT3’s maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (MHI)-TES Philippines (TESP) na siyang namamahala sa maintenance ang nagbigay ng paumanhin sa nasabing insidente.

 

 

“We apologize for the incident regarding members of disinfection team not properly doing their job. We will relieve the staff involved within the day while we are proceeding with administrative case,’ ayon kay TESP administration manager Toto Domingo.

 

 

Sinabihan na nila ang buong staff ng maintenance na parating mag observe ng tamang disinfection sapagkat sumailalim naman sila sa isang training at magdadagdag rin ng dalawang staff upang masiguro na sila ay properly supervised.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na ang mga operators at drivers ng pampublikong sasakyan ay hindi lamang dapat magsakay ng mga kanilang pasahero mula sa kanilang tahanan papuntang trabaho kundi responsabilidad din nila na siguruhin na sila ay ligtas at walang karamdaman pag dating nila sa kanilang patutunguhan.

 

 

“As operators and drivers of public transport vehicles, you do not only bring passengers from their homes to their work places and back. You are also given the responsibility to make sure that they are healthy and safe when they arrive at their destinations,” saad ni Tugade.

 

 

Muling pinaalalahanan ni Tugade ang publiko na tumulong upang mawala ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pasunod sa tamang health protocols na pinatutupad sa mga public transportation. Hiniling din niya na isumbong sa mga awtoridad ang hindi sumunod sa health protocols.

 

 

Maaari silang magsumbong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Inter-Agency Council for Traffic, rail transport operators at awtoridad mula sa air at maritime sectors.  (LASACMAR)

Bakuna kontra Covid -19 na galing India, sa 3rd quarter pa darating sa bansa- Galvez

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ni NTF Covid-19 Chief Implementer and Vaccine Czar CARLITO GALVEZ JR. na sa 3rd quarter pa ng taon darating ang bakuna galing India.

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay ipinaliwanag ni Galvez sa pamamagitan ng kanyang inihandang presentasyon gamit ang 15 slides kung bakit sa 3rd quarter pa ng taon darating ang bakuna mula India.

 

Sa kabilang dako, batay sa “target and timelines” na mayroon ang NTF, ngayong Marso ay inaasahan na darating sa bansa ang 2.3 million doses mula sa Sinovac kung saan ay 400,000 ani Galvez ay mula sa Chinese donation.

 

Inaayos na rin nila ang pagbili ng bakuna sa pamamagitan ng DOH ng 1 milyong Sinovac.

 

“So a total of 1.4 Sinovac vaccines. And we have an information from WHO that we might be receiving almost a million of AstraZeneca also within this month or maybe early April with 979,200 AstraZeneca. With a total of 2,379,200 doses by March or early April po, sir,” ani Galvez.

 

Samantala, inamin ng Pangulo sa publiko na hanggang ngayon ay walang sobrang bakuna ang Pilipinas.

 

Ibig sabihin aniya walang dumating maliban sa donated vaccine.

 

“Iyong ginawang donasyon lang ng China pati sa WHO. Walang bayad ‘yon,” ayon sa Pangulo.

 

“Si Secretary Galvez pumunta ng India at mayroon siyang negotiation. He says that it was a very good one and we can expect delivery in weeks,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Minors sa NCR bawal lumabas ng bahay simula Marso 17– MMDA

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

 

Sa isang statement, sinabi ng MMDA na ang  Metro Manila Council ay mayroong binabalangkas nang resolusyon para sa mas mahigpit na mga hakbang.

 

 

Ayon sa MMDA, 17 local government units sa NCR ang sakop ng ilalabas na resolusyon na magsasabi na tanging ang mga 18-65 anyos pataas lamang ang papayagan na makalabas ng bahay simula bukas.

 

 

  • Edad na pwedeng lumabas ng bahay18-65 taong gulang simula bukas, ika-17 ng Marso
  • Banned sa susunod na dalawang linggo: edad 15-17, bagay na ipatutupad sa 17 pamahalaang lungsod ng National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na ginawa ng mga alkalde sa NCR ang desisyon na ito upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 sa rehiyon. (Daris Jose)

Sec. Roque , iginiit na naging maingat at mahigpit na sinunod ang mga kailangang safety protocol

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya nagpabaya at mahigpit niyang sinunod ang safety protocol subalit nag-positibo pa rin siya sa COVID 19.

 

Kaya nga ikinabigla niya ang naging resulta ng kanyang rt- PCR test nitong nagdaang linggo.

 

“Ang tanong: Ito ba ay dahil nagpapabaya ang taumbayan? Ako ba ho ay nagpabaya? Sa tingin ko ay hindi naman ‘no dahil sumusunod po talaga tayo sa minimum health protocols,” ani Sec. Roque.

 

“So ang conclusion, hindi naman po siguro dahil sa nagiging pabaya tayo ‘no. Hindi ko rin masasabi na ito po ay dahil sa mga bagong variant dahil hindi naman po ako dalubhasa ‘no. Pero ang hindi natin makakaila ay talagang lahat na po ng mga variants ay nadiskubre na dito sa Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, hindi naman siya eksperto kaya’t hindi niya masasabi na baka dahil sa mga bagong variant kung kaya’ t nakapitan siya ng virus.

 

Hindi naman aniya kasi maikakaila na talagang lahat na ng mga variants ay nadiskubre na sa bansa.

 

Sa kasalukuyan ay plano ni Sec. Roque na makapag- isolate sa isang isolation facility habang nagpahayag ito ng kahandaan na magpatuloy pa rin sa kanyang trabaho gayung siya naman ay asymptomatic. (Daris Jose)

Olympic torch relay tuloy na sa March 25

Posted on: March 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Susundin ng Tokyo Olympic organizers ang itinakdang petsa sa torch relay bilang hudyat ng pagsisimula na ng Olympic countdown.

 

 

Gagawin ito sa Marso 25.

 

 

Susundin ng Tokyo Olympic organizers ang itinakdang petsa sa torch relay bilang hudyat ng pagsisimula na ng Olympic countdown.

 

 

Gagawin ito sa Marso 25 sa J-Village training center sa Fukushima.

 

 

Hindi bubuksan sa publiko ang nasabing aktibidad at binawasan din ng organizers ang mga participants.

 

 

Ganon din ay ginawa nilang simple ang programa para maiwasan ang hawaan ng virus.

 

 

Napili ang J-Village facility dahil ito ay makasaysayan noong naganap ang taong 2011 na lindol at tsunami.

 

 

Gaganapin ang Olympics mula July 23 hanggang August 8 habang ang Paralympics naman ay mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.