• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng Covid-19 infections noong nakaraang Agosto 2020, posibleng maulit ngayon

SINABI ng Malakanyang na papalapit na ang bilang ng COVID-19 infections na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.

 

Matatandaang noong Agosto 2020 ay pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panawagan ng mga health workers para sa 2-linggong pagbabalik ng Metro Manila sa itinuturing na “second strictest lockdown level” dahil sa pagbaha ng mga coronavirus patients sa mga ospital.

 

“Itong spike po talaga ay nangyayari ngayon. We are nearing the peak that we saw last August,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Pupuwede pong lumampas pa tayo sa peak natin noong August kung hindi natin mapapababa ang mga kaso ng COVID-19,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nakapagtala ng dadag na 5,404 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Lunes ang Department of Health (DOH), kung kaya’t napatalon na sa 626,893 ang nahahawaan nito ngayon sa Pilipinas.

 

Batay sa mga sariwang datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga numero para araw na ito:

Lahat ng kaso: 626,893

Nagpapagaling pa: 53,479, o 8.5% ng total infections

Kare-recover lang: 71, dahilan para maging 560,577 na lahat ng gumagaling

kamamatay lang: 87, na siyang nag-aakyat sa local death toll sa 12,837

 

“Mapapababa po natin ang numerong iyan dahil alam po natin sa nakalipas na taon, importante po na pag-ingatan ang ating buhay para tayo po’y makapag-hanapbuhay,” anito.

 

“Napakahirap pong muli kung tayo po’y magsasara ng ekonomiya at mawawalan ng hanapbuhay ang napakarami nating mga kababayan.”  ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque a na habang ang 8 mula sa 17 rehiyon sa bansa ay nakapagtala ng pagtaas ng health care utilization rates simula Pebrero 11 ay wala naman ang humantong sa moderate-risk level.

 

At bilang bahagi ng akikipaglaban sa pagsirit ng covid 19 case ay pagbabawalan nang lumabas ang mga menor-de-edad sa National Capital Region simula bukas, ika-17 ng Marso.

 

Ito ang inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

 

Ayon sa MMDA, binabalangkas na ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon para sa mas mahigpit na pagpapatupad na health measures kung saan sakop nito ang 17 local government unit sa rehiyon.

 

Sa ilalim ng resolusyon, pinapayagang lumabas ng bahay ay edad 18 hanggang 65-anyos habang pinagbabawalan naman ang edad 15 hanggang 17-anyos na tatagal ng dalawang linggo. (Daris Jose)

Other News
  • Mas makatutulong lalo na sa mga migranteng manggagawa: ATTY. HONEY QUIÑO, na-inspire kay ARNELL kaya tinanggap ang posisyon sa OWWA

    KILALA na si Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño sa entertainment industry bilang isang movie producer.     Pag-aari niya ang AQ Prime at A & Q Production Films na nakapag-produce na ng mga pelikulang dinirek ni Joel Lamangan, ang “Nelia” at “Peyri Teyl”, ang latest film ni Superstar at National Artist Nora Aunor ang “Ligalig”, […]

  • Consistent top-rating show, kaya extended sa third season: DINGDONG, ibinuking si MARIAN na dalawang linggo bago naka-move on sa sinagot sa ‘Family Feud’

    AMINADONG fan ng sikat na social media influencer na si Zeinab Harake ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.   Kinikilig talaga ito kay Marian.   Aniya, “Meron akong crush sa Beautéderm family. Totoo po, kung ano man ang arte ko ngayon, feeling ko, dito ko masasabi, ‘Ate Yan! Si Ate Yan talaga, Marian […]

  • PIA, nagka-COVID pa rin kahit fully vaccinated at may booster shot; pinatulan ang basher na nagsabing ‘deserved’ niyang mahawa

    IBINAHAGI ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach a few days ago na nag-positive din siya sa COVID-19 habang nasa United Kingdom.     Nagbabala pa siya sa IG post ng, “Long post ahead”, bago I-post ang nangyari sa kanya.     Panimula ni Pia, “I caught COVID here in the UK even though I’ve been […]