P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South.
Ayon kay Col. Ollaging, dakong 12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg David Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni deputy chief for operation PLTCOL Antonio Naag sa Wawa, Brgy. Tangos South kung saan nagawang makapagtransaksyon ni Pat Leo Dave Legaspi na nagpanggap na buyer sa suspek ng P3,000 halaga ng shabu.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Ani SDEU investigator PSSg John Mikhail Garces, nakumpiska sa suspek ang nasa 405.4 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P2,756,720.00, buy bust money at isang kulay maroon na belt bag.
Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Nelson Bondoc ang Navotas Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ollaging dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska sa naturang illegal na droga. (Richard Mesa)
-
Price ceiling sa bigas, band-aid solution lamang
Tinuligsa ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang takdang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas na isang pansamantalang solusyon sa malaking problema sa presyo nito. Ayon sa mambabatas, hindi dapat pansamantala lamang kundi isang mas komprehensibong solusyon ang ipatupad sa problema. “The release of […]
-
Pumirma sila ng waiver na payag gawin ang eksena: RHIAN, first time na nakipag-love scene na hindi lang isa kundi dalawa pa
BALIK-HOSTING si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, pagkatapos ng huli niya, na StarStruck 7. Muling iho-host ni Dingdong ang Family Feud, ang Philippine version ng popular American game show na muling ibabalik ng GMA-7. Ito ang ipapalit ng GMA-7 sa Dapat Alam Mo ang informative show hosted by Kuya Kim (Kim Atienza), […]
-
Health forum hits the mark on the urgency of lung panel testing and personalized treatment to fight lung cancer
Cancer remains the second leading cause of death in the Philippines, with lung cancer topping the list for cancer- related mortality in the nation. This comes as no surprise as almost a quarter of Filipinos aged 15 years and above smoke cigarettes, increasing the risk of developing lung cancer. The good news […]