• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

16 SAKAY NG FISHING BOAT NAILIGTAS

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 indibidwal sakay ng nasiraang fishing boat na ginamit para sa paghahatid ng mga bisita para sa “Unveiling Ceremony of the Historical Marker”  sa Homonhon island kaugnay sa ika-500 anibersaryo ng “First Circumnavigation of the World” ngayong araw.

 

 

Ayon sa PCG,nasiraan ang makina ng  FBCA Bencor sa baybayin sa pagitan ng Manicani at Homnhon Island sa Guiuan,Eastern Samar ngayong umaga.

 

 

Mabilis namang nagdeploy ng tatlong rubber boats ang PCG upang tulongan at mailipat  ang mga pasahero sa BRP Suluan (MRRV-4406) na nagsilbing maritime security vessel sa nasabing aktibidad.

 

 

Nasa maayos namang kalagayan na nakarating sa Homonhon Island ang mga bisita.

 

 

Kabilang sa narescue sina  Congressman Maria Fe Abunda ng Lone District Eastern Samar at Borongan City Mayor Jose Ivan Agda.

 

 

Nagpasalamat naman sila sa PCG sa agarang aksyon at pagtitiyak sa kanilang kaligtasan sa gitna ng hindi magandang nangyari sa kanilang paglalayag sa karagatan.

 

 

Ayon kay Abunda at Agda,ang insidente ay nagpapaalala sa kahalagahan ng coast guards lalo na sa pagliligtas ng buhay  at pag-aari sa karagatan.

 

 

Dahil dito, nangako rin sila na susuportahan ang pagtatayo ng coast guard station Eastern Samar sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo at lot donation. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Marami ang gigil at inis na sa kanyang role: KIM, inaming ‘di inakalang magagampanan ang karakter ni ‘Juliana’

    ITO ang pinatunayan ng netizens, partikular na ang mga tumututok sa seryeng “Linlang” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman at Maricel Soriano.       Sa Twitter, kalat ang mga komento ng gigil at inis kay Juliana, ang karakter na ginagamapan ni Kim na tila ‘di nahihiya sa panloloko niya sa […]

  • Ads April 17, 2024

  • Ads February 7, 2022