• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics

Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.

 

 

Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.

 

 

Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang puntos ng Ukrainian table tennis player sa kanilang women’s Knockout 2 semifinals.

 

 

Habang hindi umubra si Jann Mari Nayre sa kalaban nitong Niagol Stoyanov ng Italy sa men’s Knockout 1 quarterfinals.

 

 

Mayroong puntos na 11-5, 11-4, 11-4, 8-11, 13-11 kaya nanaig ang Italian player.

 

 

Hindi pa nawawalan ang pambato ng bansa sa table tennis na sina Fadol, Nayre kasama sina John Russel Misal at Jannah Romero na makapasok sa Olympics kapag magtagumpay sila sa Asian Olympic Qualifying Tournament na gaganapin rin sa Doha sa darating na Marso 18-20.

Other News
  • Kumakaway lang dati sa parada noong bata pa: ROYCE, first time na kasama sa movie na pang-MMFF at excited sumakay sa float

    FIRST ever entry sa Metro Manila Film Festival ni Royce Cabrera ang “Green Bones’ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.     “First time ko po,” ang masayang bulalas ni Royce.     Pagpapatuloy pa niya, “Excited kasi, lalo na 50th year pa, so golden year na MMFF. Ang daming mga magandang activities. “Siyempre ang […]

  • DA, tiniyak ang 24/7 DRRM ops para sa mga disaster-affected farmers

    TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang 24/7 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ops para sa mga disaster-affected farmers.       Layon nito na maayos na suriin ang epekto ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat at bagyong Carina sa buong sektor.     “Lahat po ng concerns ay pwede pong tanggapin sa […]

  • DICT nakatutok sa PhilHealth hackers na humihingi ng $300,000 ransom

    KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes.     Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito. […]