• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatlong cabinet secretaries, naka- quarantine rin ngayon

TINATAYANG may tatlong cabinet secretary ang naka- quarantine ngayon.

 

Ito’y maliban kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo sa Covid -19.

 

Ang tatlong cabinet secretary ayon kay Sec. Roque ay sina  NTF Deputy Chief Implementer testing czar Sec. Vince Dizon. Si Dizon  ay nakahulubilo ni Sec. Roque dahil magkasama sila sa isang event sa Ilocos Norte nitong nakalipas na Biyernes.

 

Ani Sec. Roque, sinabihan na niya ang iba pang mga indibidwal na kaniyang nakasama mula nitong march 11 hanggang march 14 para sila makapag self isolate o quarantine na rin.

 

Sinabi pa nito na kasama niya at nakasalamuha  niya sa mga panahong ito ay si ilocos norte governor matthew joseph marcos manotoc.

 

Bukod kay Dizon, naka- quarantine din ngayon si NTF chief implementer Carlito Galvez jr. dahil galing ito sa abroad o sa India kung saan siya nagsara ng 30 milyong doses ng Novavax.

 

Kasama sa protocol na kapag glling sa ibang bansa at bumalik dito sa pilipinas ay obligadong sumailalim sa quarantine protocols.

 

Habang ang pangatlo namang cabinet secretary na naka-quarantine ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana, dahil na exposed din ito sa nagpositibo sa Covid -19.

 

Dahil dito, sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi ay tanging si Health Secretary Francisco Duque III lamang ang cabinet secretary na nakaharap nang face to face ng Chief Executive dahil sina Sec. Roque, Galvez at Lorenzana ay naka zoom sa ginanap na pulong.  (Daris Jose)

Other News
  • Pacman sa 6-hr creation process ng kanyang wax figure: ‘That’s what makes them so realistic’

    MAGKAHALONG pagkalibang at pagkagulat ang naramdaman ni Senator Manny Pacquiao sa buong proseso ng paggawa sa kanyang wax figure.   Pahayag ito ni Manny sa nakatakdang launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa Hong Kong.   Ayon sa 41-year-old fighting senator, inakala nito na matagal na ang dalawang oras pero […]

  • Nag-iisa at kakaibang trading card ni LeBron James posibleng maibenta sa mahigit $6-M

    POSIBLENG  aabot sa mahigit $6 milyon ang halaga ng kakaibang trading card ni NBA star LeBron James.     Ang “Triple Logoman” card, na nag-iisang nailabas na card ng 18-time NBA All-Star ay may nakalagay na patches mula sa jerseys ni James habang ito ay naglaro sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at sa Los Angeles […]

  • Jazz naitala ang 2nd straight victory nang talunin ang Spurs

    Nanguna sa opensa ng Utah Jazz sina Bojan Bogdanovic na may 25 points at si Rudy Gobert na nagdagdag ng 24 points at 15 rebounds upang idispatsa ang San Antonio Spurs, 110-99.     Hindi rin naman nagpahuli si Fil Am player Jordan Clarkson na nag-ambag ng 16 points.     Ito na ang ikalawang […]