• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacman sa 6-hr creation process ng kanyang wax figure: ‘That’s what makes them so realistic’

MAGKAHALONG pagkalibang at pagkagulat ang naramdaman ni Senator Manny Pacquiao sa buong proseso ng paggawa sa kanyang wax figure.

 

Pahayag ito ni Manny sa nakatakdang launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa Hong Kong.

 

Ayon sa 41-year-old fighting senator, inakala nito na matagal na ang dalawang oras pero nasagad pa sa anim na oras ang pag-measure sa bawat parte ng kanyang mukha at katawan.

 

“The Madame Tussauds team made it very fun and they were friendly and they helped me throughout so I was at ease with the whole team,” ani Pacquiao kay Madame Tussauds Hong Kong Marketing Head Bobo Yu.

 

Nabatid na si Pacman ang unang lalaking Pinoy na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds, bagay na isa aniyang karangalan.

 

“I really appreciated it. Madame Tussauds Hong Kong is a home to wax figures of cultural icons, superstars, celebrities while being a cultural icon itself,” dagdag ng mister ni Jinkee Pacquiao.

 

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach naman ang pinakaunang Pinay na nabigyan na ng wax statue sa Madame Tussauds noong 2018.

 

Kabilang na rin sa “pool of Filipino wax figures” si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ngunit nakabinbin din ang launching dahil sa coronavirus pandemic.

Other News
  • Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City, MECQ na sa Aug.16 – Aug. 22 – IATF

    Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang quarantine classification ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) papuntang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula August 16 hanggang August 31, 2021.     Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili naman […]

  • Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM

    DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras.     Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image.   Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host […]

  • Ads March 25, 2022