Malakanyang, kumpiyansa sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew ng mga nasa LGU
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAKASALALAY na sa Local Government Units (LGUs) ang ikapagtatagumpay ng ipinatutupad na unified curfew hours na ang layunin ay mapababa ang numero ng mga tinatamaan ng COVID 19.
Umaarangkada na kasi ngayon ang dalawang linggong unified curfew hours na 10pm to 5am sa buong NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesperson HarryRoque na ang LGU naman ang nagpapatupad ng mga polisiyang binubuo ng IATF para huwag ng tumaas pa at mapigilan ang naitatalang pagsipa pa sana ng virus.
Ang mga ito rin ang may kapangyarihan na magdikta ng mga regulasyong nabubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) .
“binabalanse po talaga natin iyong pagkakaroon ng hanapbuhay doon sa pagkukontrol ng paglaganap pa ng coronavirus at suportado naman po iyan ng IATF dahil iyan po talaga ay katungkulan din ng LGU,” ang pahayag ni Sec. Roque.
“Sila naman po ang nagpapatupad ng mga polisiya na binubuo ng IATF para mapababa itong mga numerong ito at sila po iyong may kapangyarihan din na magdikta ng ganitong mga regulasyon,” aniya pa rin.
Samantala, walang kapangyarihan ang IATF na magpataw ng anomang direktiba sa mga Local Government Units base na din sa isinasaad ng local government code.
“Dahil ang IATF naman po ay walang ganiyang kapangyarihan na nakasaad po sa local government code,” giit ni Sec. Roque.
-
TRB ‘di muna maniningil ng penalty sa mga walang RFID
SINIGURO ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi sila maniningil ng penalty sa mga hindi susunod sa paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID) sa kanilang mga sasakyan. Pahayag ito ng TRB sa kabila nang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sisimulan na sa Enero ang paniningil ng multa sa mga sasakyang walang […]
-
3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO
INARESTO ng Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City. Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc. Ayon kay MPD Director Brig.General […]
-
Navotas nagbigay ng cash incentives sa public school grads
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga nagtapos ngayon taon sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary. Nasa 5,008 Grade 6 at 2,276 Grade 12 ang kumpletong nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants noong June 26-27, 2024. Ang […]