• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Unahin vaccination rollout sa NCR’– experts

Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa.

 

 

Aniya, hindi raw lalaganap ang covid sa Metro Manila kapag mababakunahan ang nasa pito hanggang sa walong milyong mga residente.

 

 

Mas maigi rin umanong mabakunahan din ang mga residenteng nasa paligid ng NCR gaya ng Calabarzon at Central Luzon na marami ring kaso ng nakamamatay na virus.

 

 

Dagdag ni David, matatagalan daw ang Pilipinas na maabot ang herd immunity sa target nilang 70 percent ang mga mababakunahan sa kabuuang populasyon ng bansa o nasa 70 million na katao

 

 

Una rito, sinabi ng OCTA na posibleng aabot sa 11,000 covid case ang maitatala sa Metro Manila pagsabit ng katapusan ng buwan ng Marso. (Daris Jose)

Other News
  • P293-M halaga ng financial aid naipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette – DSWD

    Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government […]

  • PNP naka-heightened alert sa tigil-pasada

    NAKA-heightened alert ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng isang linggong transport strike ng iba’t ibang transport organization simula kahapon, Lunes Marso 6..     Ayon kay PNP-Public Information Office chief Police Col. Red Maranan, nasa 80 porsiyento ng  puwersa ng PNP ang ipakakalat at itatalaga sa iba’t ibang lugar upang ayudahan at bigyan ng […]

  • ‘PINAS GAGAPANG SA 2021 SEA GAMES

    SA nakikinita ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino magiging mahirap para sa Pilipinas na na maidepensa ang pangkalahatang kampeonato sa 31 st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam.   Kaya puntirya ng opisyal na makapaghanda nang nang todo ang mga atletang Pinoy hindi lang sa 32 nd Summer Olympic Games 2021 sa […]