• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘PINAS GAGAPANG SA 2021 SEA GAMES

SA nakikinita ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino magiging mahirap para sa Pilipinas na na maidepensa ang pangkalahatang kampeonato sa 31 st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam.

 

Kaya puntirya ng opisyal na makapaghanda nang nang todo ang mga atletang Pinoy hindi lang sa 32 nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 13-Agosto 8, kundi sa SEA Games din sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

 

“Defintely, mahihirapan tayo sa overall title dahil na rin sa sports na gusto isagawa ng host na Vietnam. May mga plano pero I will reveal it na lang siguro after the POC election,” pahayag niya.

 

Makikipagtalakayan si Tolentino sa mga opisyales ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF) sa Nobyembre kung saan isusumite niya ang final report sa 30th SEAG 2019 sa ‘Pinas at ang pagbibigay ng coffeetable book.

 

“Gusto ng Vietnam organizers gawin lang ang original na 46 sports dahil din sa budget cut sa kanila. So hintay tayo kung ano mangyayari. Binabantayan ko ang budget hearing ng PSC kung magkano ba ang isinubmit nila dahil doon nakasalalay ang pondo at exposure ng mga atleta para sa Olympics at sa SEA Games,” wakas niya. (REC)

Other News
  • Pope Francis, Pope emeritus Benedict XVI nabakunahan na rin vs COVID-19

    Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI.   Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City […]

  • Ads June 12, 2020

  • Ibinuko ni Sylvia na nakahanap sila ng katapat… MAINE, tuwang-tuwa na nakikipag-asaran sa Daddy ART ni ARJO

    SA Instagram post ni Sylvia Sanchez noong Huwebes, August 11, 2022, ibinahagi niya ang series of photos ng asawang si Art Atayde at Maine Mendoza na tuwang-tuwa na nag-aasaran sa isa’t-isa.   “Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa hahaha.   “Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. […]