CabSec Nograles, pinalagan ang pahayag ng mga kritisismo na “back to square one” ang gobyerno
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
TODO-DEPENSA si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamahalaan mula sa kritiko na nagsasabing “back to square one” ang bansa sa ginagawa nitong pagtugon sa COVID-19 dahil sa ulat na pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito.
Giit ni CabSec Nograles, gumagana ang health safety protocols sa bansa.
“But we have to remember that even in other countries, COVID-19 comes in waves,” ayon kay CabSec Nograles.
Inulan kasi ng kritisismo ang gobyernong Duterte ukol sa usaping ito at tila ipinamukuha sa pamahalaan ang di umano’y kabiguan nito na matugunan ng maayos ang pandemiya matapos ang isang taong restriksyon.
Umabot na kasi sa 61,000 ang aktibong mayroong covid-19 habang ang bagong impeksyon naman ay nakapagtala para sa buwang kasalukuyan ng “2.5 times higher” kumpara noong Enero base sa rekord ng Department of Health (DoH).
Giit ni CabSec Nograles na ng pagtugon sa pandemiya ay “a delicate balance between health and economy.”
“There are ups and downs in this battle. Why? Because it is a delicate balance between health and economy. To prevent transmission, you prevent movement of people. But to open the economy, you need movement of people,” aniya pa rin.
“At the end of the day, it is on us to follow the protocols,” dagdag na pahayag ni CabSec Nograles.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na palagi na lamang nananawagan ang pamahalaan sa publiko na hangga’t maaari ay manatili sa loob ng kanilang tahanan at i-practice ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, madalas na paghuhugas ng Kamay at pag-obserba sa physical distancing.
“All we can do [in the government] is enforce protocols, but we cannot see everything 24/7, 100% of the time, what an individual does. It is impossible,”ang pahayag ni CabSec Nograles.
“The general population outnumbers law enforcers, so it really belongs to us to stem the tide and trim the infection by following health protocols,” anito.
Samantala, sinabi ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na ang bansa ngayon ay “10 steps back” mula sa sinasbaing “square one” kumpara sa March 2020 na may 61,000 active COVID-19 cases at kung saan ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay wala sa posisyon para gumastos muli para sa second round ng subsidies gaya ng ginawa nito noong magpatupad ng full scale lockdown ng nakaraang taon. (Daris Jose)
-
Ads December 17, 2021
-
Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub
INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9. Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of […]
-
PCSO chair, pinuri positibong epekto ng Bagong Pilipinas Service Fair
PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang positibong epekto ng programa tulad ng “Bagong Pilipinas Service Fair” sa pagpapalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan. “Programs such as the Bagong Pilipinas Service Fair have a positive impact on our communities. Dahil sa mga programang ganito na gobyerno mismo ang […]