• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub

INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.

 

 

Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of the Year at two-time scoring champion.

 

 

Kinalkal ng lima-katao na trade committee ang dokumento, nagkaroon ng pagbabago bago ipinasa sa mesa ni Marcial para lagdaan.

 

 

“PBA approves CJ Perez trade from Terrafirma to SMB for 3 players, 2 first round picks,” kumpirmasyon ng professional hoop league.

 

 

Naging kapalitan ng 27-anyos, 6-2 ang taas na guard/forward para sa behikulo sina Matthew Allen Ganuelas-Rosser, Russell Escoto at Joshua Angelo Alolino at dalawang first-round picks – No. 8 ngayong 2021 at isa pa sa 2022 ng serbesa.

 

 

Idinahilan ng sasakyan na ang 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14 ang mainam na gagamitin nila upang makakuha pa ng kailangang pieya bukod pa sa first round, top pick overall na pribilehiyo sa ikatlong sunod na taon .

 

 

Unang hugot ng Dyip si Roosevelt Adams noong 2019. Walang draft nitong 2020 dahil sa pandemya. (REC)

Other News
  • Matapos sabihan ni dating DFA Sec. del Rosario na traydor si Pangulong Duterte: Sec. Roque bumuwelta, ikaw iyon!

    IKAW iyon.   Ito ang buweltang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa.   Kapansin-pansin […]

  • DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’

    NAGLAAN  ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo.     Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga […]

  • ‘Pilipinas maaaring ‘di magpadala ng athletes sa 2021 Vietnam SEA Games’

    Maaaring hindi na umano magkapagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.     Ito ay kapag magpatuloy na lumala ang sitwasyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pinoproblema hindi lamang sa Southeast Asia kundi kundi maging sa buong mundo. […]