• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

James nagpasikat sa panalo ng Lakers vs Wolves

Kumolekta si LeBron James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-99 career triple-double para banderahan ang nagdedepensang La­kers sa 137-121 paghuli sa Minnesota Timberwolves.

 

 

Umiskor din si Montrezl Harrell ng 25 points para sa panalo ng Lakers (27-13), nakahugot kina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ng tig-16 markers, laban sa Timberwolves (9-31).

 

 

Sa Boston, humugot si Donovan Mitchell ng walo sa kanyang 21 points sa final canto at kumonekta ang Utah Jazz (29-10) ng 19 tripless para kunin ang 117-109 panalo sa Celtics (20-19).

 

 

Sa Philadelphia, humataw si Tobias Harris ng 30 points para sa 99-96 pag-eskapo ng 76ers (28-12) sa New York Knicks (20-21).

 

 

Sa Portland, naglista si Damian Lillard ng 50 points, 10 assists at 6 boards para pamunuan ang Trail Bla­zers sa 125-124 paglusot sa New Orleans Pelicans (17-23).

 

 

Sa Miami, nagtala si Jimmy Butler ng 28 points at 12 boards para akayin ang Heat (22-18) sa 113-98 pagsunog sa Cleveland Cavaliers (14-25).

 

 

Sa Houston, tumipa si Danilo Gallinari ng 20 sa kanyang 29 points sa first half at dinagit ng Atlanta Hawks (20-20) ang 119-107 tagumpay sa Rockets (11-27).

 

 

Sa Chicago, nagpasabog si Zach LaVine ng 40 points para sa 123-102 pagbangga ng Bulls (18-20) sa Oklahoma City Thunder (17-23).

Other News
  • PBBM naglabas ng P173-M standby funds para sa apektado ng Super Typhoon Egay

    PINATITIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay.     Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon.     Nananatiling nakatutok ang Pangulo […]

  • Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

    ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).     Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura […]

  • EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland

    Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland.     Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters.     Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond […]