Kingstown 2 at Queensville sa Brgy. 171 Caloocan, ila-lockdown
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
Isasailalim ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa lockdown ang Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula 12:01am ng Lunes, March 22 hanggang 11:59pm ng Linggo, March 28, 2021.
Ayon kay Mayor Oca Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa lugar.
Kailangan muna nating limitahan ang galaw ng mga residente sa dalawang subdivision upang hindi na lumaganap ang sakit. Sa loob ng pitong araw na lockdown ay magsasagawa tayo ng mass testing, misting at disinfecting operations,” ani alkalde.
Mamamahagi naman ng food boxes ang mga pamahalaang lungsod sa mga bahay kung kaya’t inaabisuhan ang mga residente na maglagay ng mga upuan labas ng kanilang tahanan upang mapaglagyan ng kanilang food box.
Sa kasalukuyan ay mayroong 15 kaso ng COVID-19 sa Queensville at Kingstown 2 habang may kabuuang bilang na 61 active cases naman ang Barangay 171.
As of 5pm ng March 18, 2021, umabot na sa 16,022 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 931 dito ang active cases, 14,577 ang mga gumaling at 514 ang namatay. (Richard Mesa)
-
Valenzuela ipinagdiwang ang 262nd Mano Po San Roque Festival 2024
SA gitna ng naranasang matinding init, nagpupursige ang Lungsod ng Valenzuela sa kultura at tradisyon sa dobleng pagdiriwang ng kapistahan ng 262nd Mano Po San Roque Festival 2024 at Mother’s Day sa Barangay Mabolo. Napuno ng buhay at kultura ang Mabolo sa San Roque Festival kung saan sinimulan ang masiglang kasiyahan sa Sayaw-Pasasalamat […]
-
LA Tenorio ipinalit kay Josh Reyes bilang head coach ng Batang Gilas
Inaasahan na marami ang maitutulong ng PBA star na si LA Tenorio para sa pagpapabuti ng mga batang player ng Gilas Pilipinas Youth bilang head coach nito matapos siyang italaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Ayon kay SBP President Al Panlilio, si Tenorio ay isang mabuting halimbawa ng pagiging lider at tiyak na […]
-
Pagdanganan may natanggap P4M gantimpala
NAWALA sa porma si Bianca Pagdangan nang makahampas lang ng 3-over 73 para sa even 280, upang mapabilang sa four-way tie para sa ninth place na may $84,765 cash prize (P4M) bawat isa at magkapuwesto sa 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas sa darating na Disyembre 10-13. Sa pagrolyo ito nitong Linggo […]