• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdanganan may natanggap P4M gantimpala

NAWALA sa porma si Bianca Pagdangan nang makahampas lang ng 3-over 73 para sa even 280, upang mapabilang sa four-way tie para sa ninth place na may $84,765 cash prize (P4M) bawat isa at magkapuwesto sa 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas sa darating na Disyembre 10-13.

 

Sa pagrolyo ito nitong Linggo (Lunes na oras sa Maynila) ng 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania na pinamayagpagan ni Sei Young Kim (63-266) sa 1-2 pagtatapos ng South Koreans.

 

Pero isang matinding finish pa rin ito para 22-year-old Pinay rookie sa una niyang majors sa world’s premier circuit (US Ladies Professional Golf Association) dahil sa pambihirang 65-65 sa ikalawa’t- ikatlong tapos maka-77 sa opener.

 

Ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Dottie Ardina nahanay naman sa three-way tie para sa 118th slot at mapabilang sa 55 na sumablay sa cut makaraan ng secong round. (REC)

Other News
  • Legendary golfer Kathy Withworth pumanaw na 83

    Pumanaw na ang legendary golfer na si Kathy Whitworth sa edad 83.     Kinumpirma ito ng Ladies Professional Golf Association ng US ang pagpanaw ng award-winning golfer.     Ayon sa LPGA na bigla na la mang itong nalagutan ng hininga haban nagdiriwang ng kapaskuhan.     Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye […]

  • WALANG AKTIBIDADES SA CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA

    WALANG magaganap na anumang aktibidades sa Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso.     Ito ang sinabi ng Alkalde sa kanyang pagdalo sa  120th founding anniversary sa kanyang pakikipagpulong sa mga organizer na walang magaganap na parade sa nasabing pagdiriwang.   Aniya maagang naabisuhan ang mga Filipino […]

  • PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.     Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na […]