• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CTSI Eagle Ridge Ladies Championship kinansela

KANSELADO ang International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) Eagle Ridge Golf and Country Club Ladies Championship, na nakatakda sanang mag-umpisa nitong Martes, Marso 23 sa Norman course sa General Trias, Cavite bunsod sa pagtaas ng Covid-19 sa bansa, lalo na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

 

Ipinahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Linggo, Mar. 21, na ibinalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar dahil sa pagsirit ng pandemya  sa mga nakalipas na ilang lingo.

 

 

Ang hakbang ng pamahalaan ang humimok sa Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI) na ipagpaliban muna ang ikalawang yugto ng Ladies Philippine Golf Tour (LPGT) 2021, isang tatlong araw na paluan na aabutin dapat ng Huwebes, Mar. 25.

 

 

“In line with the new IATF Resolution, Cavite shall be placed under GCQ from March 22-April 4, 2021. For the safety and protection of our players and employees, the ICTSI Eagle Ridge Ladies Championship will be cancelled until further notice,” ayon sa PGTI. (REC)

Other News
  • Aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment sa Bulacan Polytechnic College, nagsimula na

    LUNGSOD NG MALOLOS– Maaari nang magsimula sa proseso ang mga Bulakenyong estudyante na nagnanais na magpatuloy ng libreng pag-aaral sa pagbubukas ng Bulacan Polytechnic College ng aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment para sa Taong Pampaaralan 2021-2022 noong Abril 22, 2021 at tatagal hanggang Agosto 15, 2021.     Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi […]

  • Tatanggap ng inaasam na film grant: 31 finalist directors ng ‘Puregold CinePanalo Film Festival, pormal nang ipinakilala

    ANG Puregold CinePanalo Film Festival, ang pinakahihintay na event na nakatakdang iangat ang bagong henerasyon ng outstanding Filipino films.   Opisyal nang pinakilala ang mga tatanggap ng inaasam na film grant sa media conference na ginanap sa Artson Events Place, Quezon City noong Lunes, Enero 22.   Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Puregold, […]

  • Babalik agad para sa lock-in taping nila ni ALDEN: BEA, muling nakatapak ng Europe ‘di nga lang nakasama si DOMINIC

    MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress Bea Alonzo na nag-post sa kanyang Instagram habang sakay na ng airplane papuntang Madrid, Spain.     After 15 hours of travel, muli siyang nag-post sa IGS niya ng ‘touchdown Madrid’ last Monday, March 14.  Ngayon lamang muling nakapag-travel sa Europe si Bea, last pa raw niya noong 2019.     Kasamang […]