PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan! Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!
Ang rason ay 99 percent risk reduction daw ng Covid-19 cases kapag may ganito at naka social distance ang nga tao. Pero bakit ngayon lang naisip ito? Ilang buwan na ang nakaraan?
Aba, akalain mo na 99 percent reduced risk – halos zero na ah! Malaking proteksyon ito. Pero bakit ngayon lang? Sa ibang bansa ba na mababa ang positibo sa Covid-19 may ganitong requirement sa mga pampublikong sasakyan? O sa atin lang ‘to?
Ang malungkot, kaka-anunsyo pa lang ay sinamantala na agad ng mga taong gustong pagkakitaan ang bagay na ito. Nagka-hoarding na ng supply at tumaas presyo ng face shields. Parang nung dati sa alcohol at face mask – libu-libo ang umoorder at milyong piso ang transaksyon.
Kaya naman una nang sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na kung may magmamagandang loob ay magpamahagi na ng libreng face shield at bantayan din ng DTI ang presyo ng commodity na ito at siguruhin ang supply na maging available naman sa lahat sa tama at totoong presyo bago istriktongs ipatupad ito ng DOTr dahil ang hirap na nga ng public transportation hindi pa makakasakay dahil walang face shield.
Hindi rin magaan sa bulsa ito sa ordinaryong pamilya dahil kung may tatlo o apat sa pamilyang namamasahe at hindi lang isa ang bibilhin na face shield ay magastos din. Marami rin nagtanong kung huhulihin sila pag walang face shield. Hindi po. Ang polisiya ay galing sa DOTr at para lang sa mga pasahero. Kaya kung naglalakad ka lang hindi kailangan yun. Pero baka naman may makaisip na lagyan ito ng penalty ng multa tulad ng face mask at barrier sa motor? Utang na loob naman. Pero diba at lahat tayo ay maituturing na commuter?
At kahit hindi ka sumasakay sa public transport kung 99 per cent reduced risk nga ay bakit hindi ka magsusuot? So marahil dahil dito ay magiging parte na ng new normal ang face mask, social distance at face shield para sa lahat. Sabi nga ng iba – bakit hindi PPE na ang i-require? Aba mahirap yan!
Ganumpaman mainam na marinig natin ang opinyon ng mga medical experts sa effectiveness ng face shield laban sa Covid 19. Para malaman ng lahat na mahalaga ito at malaking tulong nga. At kung hindi naman ay malaman na rin ng tao ang detalye at dahilan para hindi magmukhang negosyo lamang ang polisiyang ito. (Atty. Ariel Enrile – Inton)
-
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na maglaan ng oras para magnilay-nilay at kumonekta sa pamilya at mahal sa buhay ngayong panahon ng Pasko.
Ang panawagan ng Pangulo ay matapos pangunahan ang tradisyonal na Christmas tree lighting ceremony at awarding sa mga nanalo sa “Isang Bituin, Isang Mithiin” nationwide parol -making contest sa Palasyo ng Malakanyang. “We have gained the reputation around the world for celebrating Christmas with more fervor than most other countries, and I think that that […]
-
Romualdez, may paalala sa PNP at PCG ngayong Semana Santa
“GAMPANAN ng mabuti ang inyong mga trabaho ngayong Semana Santa para iwas sa sakuna ang taumbayan.” Ito ang paalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga otoridad tulad ng mga pulis at coast guard personnel ngayong long weekend dahil sa Holy Week. Aniya, “napapansin ko kasi na tuwing may mahabang bakasyon hindi maiwasan ang […]
-
Inspection ng OFW hospital, pangungunahan ni Pangulong Duterte : Operasyon, sisimulan ngayon
INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2. Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang […]