Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates.
Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng rekomendasyon upang sila ay maghain ng plunder complaints.
Subalit sa mga nakaraang hearings na ginawa ng committee sa mga katiwaliang pangyayari sa dalawang ahensiya lumalabas na may sapat na ebidensiya upang makasuhan ng heinous crime ang mga nasabing opisyales.
“The act of making people suffer- whoever causes damage to third parties and other agencies that violates anti-graft law. Now, since a huge amount of money is involved, they may be liable for plunder. That’s what we’re looking at now,” wika ni Gordon.
Ang plunder ay isang non-bailable offense simula sa P50 million.
Dagdag pa ni Gordon na ang mga opisyales mula sa dating admistrasyon ng Aquino at ang mga kasalukuyan opisyales ng DOTr at LTO na nakagawa ng ibat-ibang paglabag sa batas simula noong 2013 nang ang DOTr ay nagsimulang gumawa ng bidding para sa pagbili ng license plates ng walang appropriation ay maaring makasuhan ng plunder.
Ang dating transportation secretary na si Joseph Emilio Abaya at undersecretary ng legal affairs na si Jose Perpetuo Lotilla ang silang lumagda sa multi-year contract para sa joint venture PPI-JKG ng hindi muna kumuha ng Multi-Year Obligational Authority mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Tinawag ng Commission on Audit ang transaksyon na “irregular at illegal” at hindi rin pinapayagan ang advanced payment na ginawa sa PPI-JKG na nagkakahalaga ng P478 million.
Dahil dito ang Supreme Court ay nag issue ng isang restraining order na siyang nagpahinto sa pagagawa ng mga plates ng mga motor vehicles at motorcycles noong 2016.
“PPI-JKG then could not deliver their vehicle plates because another supplier Trojan to whom LTO consistently awarded the contracts for the supply of license plates since 2018 had monopolized LTO’s Order Management System and the digital signature, which is important feature of the new plates,’ dagdag ni Gordon.
Hanggang sa lalo nang maantala ang paggagawa ng mga license plates na tumagal na ng tatlong taon hanggang sa pumasok na ang bagong administrasyon. Patuloy pa rin na humihingi ang mga motorista ng kanilang mga plates. Kung kaya’t sinisi ni Gordon ang DOTr at LTO. (LASACMAR)
-
Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD
HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses. Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito. Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]
-
Mga residential gatherings sa ilalim ng Alert level 3, hindi dapat daluhan
DAPAT na maging ekslusibo na lamang para sa mga nakatira sa isang tahanan ang alinmang isasagawang gathering o pagtitipon at hindi na maaari pa ang pagtanggap ng bisita. Ito ang inihayag ni IATF at Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa gitna ng ipinatutupad na mga restriksiyon sa kasalukuyan sa […]
-
Los Angeles Lakers eliminated na sa NBA playoffs matapos pahiyain ng Phoenix Suns
TULUYANG naitsapuwersa sa play-in tournament ng NBA ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Phoenix Suns, 121-110. Para naman sa Suns napatibay pa ang hawak nitong record bilang best team sa liga nang maiposte ang ika-63 nilang panalo ngayong season. Hindi pa rin kinaya ng Lakers na mapigilan si Devin […]