• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinatutupad na NCR Plus bubble, hindi nangangahulugan ng kawalan ng ayuda ng gobyerno

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinatutupad ngayon na polisiya na National Capital Region (NCR) Plus bubble ay hindi nangangahulugan na kawalan na ng ayuda ng pamahalaan.

 

Ang NCR Plus bubble ay polisiya na naglilimita sa galaw ng essential travel subalit hinahayaan ang mga negosyo na mag-operate sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid -19.

 

“Hindi naman po sa kawalan ng ayuda ‘yan. Kung talagang kinakailangan, nothing is etched in stone, kung talagang kinakailangan at ito’y hindi maging sapat eh baka konsiderasyon pa rin iyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero sa ngayon po, talagang kinikilala na natin ang problema ng pagkagutom na magreresulta kapag sinarado po natin ang ekonomiya. So pigilan natin ang mobility pero hayaan nating maghanapbuhay ang lahat,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang mga restaurants ay nananatiling bukas sa NCR Plus areas, subalit ang diners ay kailangan lamang ng 50% ng kanilang kapasidad.

 

Ipinagbabawal naman ang businesses at religious gatherings nang lagpas sa 10 katao.

 

Ani Sec. Roque na ang mga nasabing restriksyon ay hindi pangkaraniwan lalo pa’t 90% ng COVID-19 cases ay asymptomatic o mild COVID-19 cases.

 

“At ang anyo naman po ng COVID-19 ay maski ikaw ay tamaan, gaya ko asymptomatic, pupuwede pa ring magtrabaho huwag lang sana manghawa ng iba; so puwedeng magtrabaho in isolation ‘no,” lahad ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kris, nag-power trip kaya ayaw nang maka-trabaho nina Lolit at Cristy

    MAY isang oras kaming nakatunganga at nag-iisip bago namin simulan ang balitang ito dahil pareho naming mahal ang dalawang taong bida sa kuwento namin.   Sina ‘Nay Cristy Fermin na nanay ko sa showbiz at isa sa mentor ko sa pagsusulat at si Kris Aquino na katrabaho naming halos dalawang dekada na at nakatulong sa […]

  • 235 Araw ng Kapanganakan ni “BALAGTAS” ginugunita

    ORION, BATAAN —Pinangunahan ng mga opisyales sa local ng munisipyong ito kasama ang mga opisyales ng KWF, NCCA, NBDB ang paggunita ng 235 taong kaarawan ng Bayaning Makatang si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar noong ikalawang araw ng Abril taong 2023. Na may temang “Kultura ng Pagbabasa Tungo sa Pagkakaisa.”     Para sa kaalaman ng […]

  • Ads October 12, 2023