• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kris, nag-power trip kaya ayaw nang maka-trabaho nina Lolit at Cristy

MAY isang oras kaming nakatunganga at nag-iisip bago namin simulan ang balitang ito dahil pareho naming mahal ang dalawang taong bida sa kuwento namin.

 

Sina ‘Nay Cristy Fermin na nanay ko sa showbiz at isa sa mentor ko sa pagsusulat at si Kris Aquino na katrabaho naming halos dalawang dekada na at nakatulong sa amin.

 

Mas gusto naming maging peacemaker kaysa gatungan pa ang mainit na sitwasyon nina ‘nay Cristy at Kris pero bilang tagahatid balita ay tatalakayin namin ang tungkol sa isyung hindi na matutuloy ang pagsasamahang online talk show nina Kris, ‘nay Cristy, Mr. Fu at Manay Lolit Solis na produced ng Puregold.

 

Kaya hindi na tuloy ay dahil hindi gustong makasama ni Kris si Mr Fu sa online show dahil hindi raw niya kilala kaya tanging sina ‘nay Cristy at Manay Lolit lang ang gusto bagay na inalmahan ni CSF (Cristy Salazar Fermin).

 

Ang buong kuwento ni ‘nay Cristy, “Magda-dalawang linggo na ngayon nu’ng ipanganak ang isang proyekto na dapat ay pagsasamahan namin nina Kris Aquino, Manay Lolit Solis at Mr. Fu. Kami sa Take it Per Minute, Me Ganu’n (FB live). Kami ang kinuha ng pamilihan nating Puregold at S & R para gumawa ng isang proyekto na kasama si Kris.

 

“Hiwalay ito, si Kris ay nandoon sa opisina ng kanyang manager na si Erickson Raymundo at kami ay nasa Obra ni Nanay (Gallery) pa rin, kaming tatlo nina manay Lolit. Magkakahiwalay kami (ni Kris), kasi kami doon lang kami (Gallery) kasi doon lang naming gustong pumunta talaga.”

 

Nabanggit ni ‘nay Cristy ang pangalan namin nang tanungin namin siya tungkol sa pagsasamahan nga nila ni Kris kasama si manay Lolit base na rin sa teaser ng Queen of Social Media sa IG account niya na may makakasama siya sa isang project na dalawang babae na nakasama niya sa Startalk at The Buzz.

 

Hindi kami sinagot ni ‘nay Cristy, aniya ayaw niya munang magkuwento dahil baka hindi pa matuloy, nagkatotoo nga!

 

“Wala po kayong narinig sa amin o sa akin na may ganu’n, hindi po ako nagsulat. Siya (Kris) po mismo ang nagpo-post niyan proyekto na gagawin niya diumano sa GMA, diumano sa TV5, siya lang po ang nagp-post niyan, kami po wala kaming kibo, all the time wala kaming kibo.

 

“Plantsado na ang (online show) pinapupunta kami ng Sabado (studio) para sa technical rehearsal ayaw namin kasi magswa-swab daw kami ayaw din namin. Sa madaling salita ibinigay ang gusto namin ng Puregold kaya walang problema.”

 

Nang magkaroon ng meeting ang mga taga-Puregold ay wala si ‘nay Cristy dahil kinailangan niyang umuwi ng bahay nila para sa CFM show sa Radyo 5 kaya ang dumalo lang ay sina manay Lolit, Mr. Fu at production people na kasama sa FB live show nila.

 

“Heto na, nagsalita itong Kris Aquino, ipinabasa sa amin ni manay Lolit Solis ang kanyang text, ang sabi kami lang daw ni manay Lolit ang gusto niyang makasama hindi raw niya kilala si Mr. Fu at hindi namin ka-level.

 

“Ako po at si manay Lolit ay nasaktan para kay Mr. Fu. Kilala namin si Mr. Fu alam namin kung paano makipagkaibigan, makisama team player at napakasayang kasama ni Mr. Fu at may naabot na rin naman sa linyang kanyang kinabibilangan, ‘yung ‘May Ganu’n’ nga niya ginagaya na kahit saan hindi niya kilala?

 

“Sinabi namin kay Mr. Fu na mas magandang malaman na niya mula sa amin kaysa sa iba. Binasa ni Mr. Fu (text message ni Kris kay manay Lolit) huminga siya ng malalim tapos sinabi niya, ‘nanay ‘wag ka ng magalit keri ko ‘to! Pero ang boses ni Mr. Fu, parang naghihintay ng yakap, parang ninakawan siya ng self-esteem, parang minenos siya, parang minaliit na hindi na nga parang kasi iyon talaga ang kanyang nararamdaman.

 

“Nagpunta si Mr. Fu sa cr (comfort room) ng Obra ni Nanay. Ako naman siyempre gusto kong makatiyak kung ano ba talaga ang nagaganap, kunwari namimili ako ng mga painting na iuuwi ko dito sa bahay pero tiningnan ko siya (Mr. Fu), nakita ko siya naka-ganu’n (nakataas ang noo para pigilan ang luha), sabi ko, ‘anong ginawa mo?’ Sabi niya, ‘naghilamos lang ako ‘nay.’

 

“Hindi naghihilamos si Mr. Fu dahil naka-make up na siya pagdating (Gallery) ang ginagawa na lang niya, nagre- retouch, so nagsumbong ang puso niya sa mga mata, umiyak ‘yung tao. Hindi na ako napakali mula noon, sabi ko, heto na naman si Kris minsan na niyang ginawa kay Wendell Alvarez, heto na naman ang pagiging power tripper niya.

 

“Power trip ‘yun, eh. Para sa akin power trip ‘yun. Nandoon ‘yung tao (Mr. Fu) nu’ng mag-meeting kasama ang mga taga-Puregold, nandoon si Mr. Fu ng pag-usapan ang plantilya kung paano ibibigay ang programa itong walong linggong tatakbo na special project tapos bigla niyang ilalaglag, ayoko ng gawin ‘yung programa!

 

“Sabi nga ni manay (Lolit), ‘sayang ano, dagdag na kita sana ngayong pandemya.’ Ang sagot ko, walang dagdag na kita sa pandemya pagdating sa prinsipyo kabsat pasensiya ka na. Sabi niya (Lolit), kung hindi mo gagawin, hindi ko rin gagawin!” mahabang kuwento ni ‘nay Cristy.

 

Nagbalik tanaw ang isa sa nanay- nanayan na tagapagtanggol ni Kris sa marami niyang laban mula noon hanggang ngayon, pero sa pagdating kay Mr. Fu hindi napigilan ni nay Cristy ang hindi maglabas ng sama ng loob.

 

“Ipinagtatanggol ko si Kris kapag nasa tama siya, pero pinipitik ko siya para sa akin kapag hindi tama ang kanyang mga ginagawa.

 

“Ilang ulit ka ng nadapa, may kasabihan na hindi ito kuwestiyon ng kung ilang ulit kang nadapa dahil ang pinakamahalaga ay ang pagbangon.

 

“Ilang ulit na niyang sinaktan ang tadhana, ilang network na ang nilapitan mon a hindi ka tinanggap? Bakit pati mga proyektong indibidwal na gagawin mo tulad nu’ng sa amin hindi rin natuloy dahil sa pagpa-power trip mo?

 

“Parang ikaw pa rin ‘yung reyna na nakaupo sa pulpit na may trono at trona na parang IKAW pa rin ‘yung gitna ng mundo samantalang is aka lang sa mga bituin ng mga planetang umiikot-ikot, hindi ikaw ang araw!

 

“Bakit mo sinaktan ‘yung kaibigan namin samantalang hindi mo naman siya kilala kung ano ang buhay niya!

 

“Kris kung alam mo ang buhay ni Mr. Fu baka lumuluhod ka ngayon na lumapit sa kanya sa pagmamakaawa para patawarin ka!

 

“Hindi mo alam kung ano ang papel ni Mr. Fu sa kanyang pamilya. Hindi mo alam kung ilang tao ang tinutulungan niya araw-araw tapos ilalaglag mo? Sasaktan mo kami?

 

“Sabi nga ni manay Lolit kahit bigyan mo pa kami ng tig-isa-isang branch ng Puregold hindi namin gagawin ang proyekto kung ikaw ang kasama.

 

“At ako mismo kahit ano pa ang gawin mo, magdidildil ako ng asin Kris Aquino ‘wag ka lang makasama dahil sa pananakit mo sa mga kasama at kaibigan namin na hindi mo kilala kung ano ang papel sa buong mundo! Hindi namin gagawin ang proyekto!,” ito ang galit na pahayag ni nay Cristy sa kanyang programang Cristy Per Minute sa Radyo Singko 92.3 News FM nitong Huwebes, Nobyembre 5.

 

Inamin pa ni nay Cristy na emosyonal siya ng mga sandaling habang ikinukuwento niya ang buong pangyayari kung bakit tumanggi na silang makasama si Kris ay nandoon pa rin ang pahayag niyang kinikilala niya si Kris bilang Queen of Talk.

 

“Sa gitna ng pagiging emosyonal ko ngayon, tanggap ko talaga na siya ang Reyna, Queen of Talk totoo ‘yun, kanya ‘yan! Walang puwedeng pumalit sa kanya diyan at kanya ‘yang upuan na ‘yan kanya ‘yung pagkakataon dahil unang-una ay sikat siya, magaling siya lahat nasa kanya na, pero may isa kang nakakalimutan ang mundo ay hindi IKAW, ang mundo ay hindi sa ‘yo. Ang una pa rin sa mundong ginagalawan natin sa maliit na payong na pinagsusukuban natin, ATTITUDE pa rin, kasunod lang ang TALENTO!” ito ang emosyonal na payo ni ‘nay Cristy kay Kris na itinuring niyang anak. Maliit lang ang showbiz, sana magkasundo na sina ‘nay Cristy at Kris. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • First time pa lang magkakasama sa isang TV show: DINA, puring-puri si ALMA na itinuturing na niyang kaibigan

    HUMANDA sa pagdagundong nang dalawa sa pinaka-feistiest women ng Philippine show business na sina Ms. Alma Moreno at Ms. Dina Bonnevie, sa kakaiba nilang kakulitan na abot sa bardagulan level sa bagong comedy series na Kalye Kweens.     Magpe-premiere na ito sa Oktubre 1 at ipapalabas tuwing Sabado ng 8:30 pm sa TV5 at […]

  • ARJO at mga co-stars, pwede na uli mag-shooting sa Baguio pag fully recovered na; FDCP, natuwa dahil tuloy ang trabaho

    NAGKAAYOS na ang magkabilang kampo sa naganap ng pakikipag-meeting ng head ng Feelmaking Productions, Inc. na si Ellen Criste at iba pang co-producers kay Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City.     Matapos na mapag-usapan protocols na ayon nga naunang report ay nagkaroon ng violations, bagay binigyan linaw ni Criste.     Sa interview ni MJ […]

  • Mas maraming eco activities, asahan sa Metro Manila Subway Project- PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.  na asahan na ang mas maraming  economic activities  sa Metro Manila Subway Project.     Pinangunahan kasi ni  Pangulong Marcos Jr.   ang  ground breaking  ceremony para sa pagtatayo ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP- COntract Package 104) sa Pasig City.     Umaasa […]