500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.
Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.
“So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol namin na magkaroon tayo ng 500,000 to 1 million per week.
Sa ngayon, medyo mabagal tayo dahil kasi po ang ating binabakunahan ay mga healthcare workers, at talagang ang ginagawa natin pine-phase natin talaga dahil kasi iniingatan po natin na mabakante ang mga hospital lalo na ngayon na umaangat po ang ating mga kaso,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Tatlo aniya ang pagkukunan ng pamahalaan na mga bakuna para sa ikalawang bahagi ng 2021na pawang manggagaling sa Sinovac, Gamaleya at COVAX.
Tinatayang aabot aniya sa 11.5 million doses ang inaasahan nila para sa April deliveries habang may paparating pang bakuna sa susunod na linggo na isang milyong doses na binili sa Sinovac bukod pa sa 4 na raang libong donasyon nito sa bansa.
“Iyong sa second quarter delivery natin, ‘yong tatlo ang pagkukunan po natin: ‘yong Sinovac, Gamaleya at saka COVAX.
Dahil nagkaroon na ng EUA ang ano, Emergency Use Authorization ang Gamaleya, puwede na tayong bumili . And then ‘yong Sinovac, March 29, ay 1 million ang atin matatanggap. Ito ‘yong nabili natin na ide-deploy nila at kukunin ng Philippine Airlines in two shuttles this coming ano March 29 po,” anito.
Sa kabuuan aniya ay umabot sa 2. 379 million doses ang parating na bakuna para sa 1st quarter.
“So ang total doses na darating ngayong ano ngayong first quarter is 2.379 million doses. At sa ngayon po mayroon na po tayong activated na 1,523 na vaccination site. Sa April deliveries naman po, magkakaroon tayo ng more or less 11.5 million doses,” ang pahayag ni Galvez. (Daris Jose)
-
“PETER RABBIT” STILL A MASTER OF MISCHIEF IN SEQUEL’S NEW TRAILER
THIS year, get ready for the ultimate family event! Watch the new trailer for Peter Rabbit 2: The Runaway now and see Peter in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/u_6epDAeAl0 About Peter Rabbit 2: The Runaway In Peter Rabbit 2: The Runaway, the lovable rogue is back. Bea, Thomas, and the rabbits have created a makeshift […]
-
Dr. Carl, malaki ang tiwala sa all-nurse cast: Napiling bida ng ‘Siglo ng Kalinga’ na si JOY RAS, naging emosyonal
INI-REVEAL na ang all-nurse cast nang malabuluhan na pelikulang ‘Siglo ng Kalinga’ na inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922. Ang FNA nga ay naging PNA, pagkaraan ng ilang taon. At layon ng pelikula ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association. […]
-
Ash Barty pasok na sa finals ng Australian Open
PASOK na sa finals ng Australian Open ang home-crowd favorite na si Ashleigh Barty. Tinalo kasi nito si Madison Keys ng US sa semifnal round. Nakuha ng world number one ang 6-1, 6-3 score para tuluyang ilampaso ang ranked 51 na American sa loob lamang ng 62 minuto. Si […]