Pamahalaan, ipag-uutos na ipasara ang simbahang Katoliko
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
KAAGAD na ipag-uutos ng pamahalaan ang pagpapasara sa mga Simbahang Katoliko na tututol sa naging direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa religious gathering sa panahon ng National Capital Region (NCR) Plus bubble mula Marso 22 hanggang Abril 4 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging tagubilin o Pastoral Instruction ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nagsasabing ang mga religious worship ay gagawin sa loob ng simbahan na may 10% capacity simula Marso 24—araw kung saan magsisimula ang unang araw ng Holy Week na gugunita sa paghihirap at kamatayan ng Poong Hesukristo.
“That will be contrary po to the decision of the IATF and we ask Bishop Pabillo not to encourage, iyong disregard of IATF rules. Ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat,” ayon kay Sec. Roque.
“In the exercise of police powers, we can order the churches closed. Huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the Church,” dagdag na pahayag nito.
Giit ni Sec. Roque ang magiging hakbang ng pamahalaan ay hindi paglabag sa probisyon ng Saligang Batas hinggil sa “separation of church and state.”
“This goes beyond freedom to believe and the prohibition to endorse a religion. That will be an enforcement of police powers to protect the public good,” ani Sec. Roque.
“We understand po that this is Holy Week, but a Christian myself, as a practicing Christian, I have a relationship with God. At kasama din po sa obligasyon ng estado ay sumunod din doon sa mga talaga ng Panginoon na mamuno,” aniya pa rin.
Nauna rito, napaulat na nilabag ng IATF ang religious freedom at separation of church and state dahil sa paglalabas ng kautusan nang walang konsultasyon.
Tiniyak ni Bishop Pabillo na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.
Sa IATF restrictions, kasama sa pagbabawal ang mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng iba’t ibang variants ng novel coronavirus.
“So, dyan mali na sila at hindi dapat tayo sumunod sa ganiyang pamamalakad na walang konsultasyon and it somehow breaks the separation of church ang state, sila ang nagse-separate ngayon. Sila na ang tumatanggi sa separation at yan ang sinasabi na hindi pwedeng pagbawalan ng state ang religious activities within their own ambient,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Barangay Simbayanan Apostolic visit on-air ng Radio Veritas.
Ayon sa Obispo, tuloy tayo ang mga activities ngunit limitado at may social distancing pati ang online activities ay tuloy din.
“Ini-encourage natin pero kung sinong faithful na gustong um-attend within our limits at tayo ang maglilimit sa loob ng simbahan natin hindi sila, ipagpapatuloy natin,” ayon kay Bishop Pabillo.
Base sa inilabas ng kautusan ng IATF, 10 katao lamang ang papayagang makapagsimba sa mga parokya sa ilalim ng General Community Quarantine na umiiral sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinawag na NCR.
Iginiit ni Bishop Pabillo, tuloy ang mga pagdiriwang sa mga parokya at sa pamamagitan ng online activities para sa mamamayan na nais na tumanggap ng Eukaristiya.
Tiniyak din ng obispo na itatakda rin ng simbahan ang mga nararapat na limitasyon at safety health standard para na rin sa kaligtasan ng publiko mula sa nakakahawang sakit.
“Dapat magsalita tayo at saka we believe religious services are essential services, they may not be essential economically but they are very essential to our well-being,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Dagdag pa ni Bishop PAbillo, “Wala tayong inorganize na activities outside the church, ‘yan sa loob ng simbahan lang. At yan ay mahalaga para sa atin, we have to serve our own faithful, if the faithful feel they need to be in touch with God lalung-lalu na sa komunyon sa banal na misa sa mga activities na ito within the limit that we set at hindi sila.”
Sa nakalipas na malakihanng pagdiriwang ng simbahan tulad ng simbang gabi at traslacion ay lumabas sa pag-aaral na hindi ito naging dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus. (Daris Jose)
-
‘Double cross’ sinisilip sa pagkawala ng 29 sabungero
TINITINGNAN ngayon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng 29 sabungero sa Metro Manila at tatlong probinsiya. Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na ‘tyope’ o “ double cross” ang ugat ng mga kaso […]
-
Ngayong tapos na ang hit serye nila ni Gabby: SANYA, balik sa pagkanta at nai-record na ang first single
SINA Jerry Sineneng at Dominic Zapata ang mga directors ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na Start-Up. This early, may agam-agam na ang mga fans at netizens kung magagawa ba nila ang tulad ng K-drama na napanood na nila. Kaya sagot nila, during the mediacon, they are giving their best, […]
-
Malakanyang, ginagalang ang “fine remarks” ni US President Donald Trump
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging pahayag ni US President Donald Trump sa naging hakbang ng pamahalaan na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika. Batay sa naging pahayag kasi ng US President, kung yun aniya ang pasiya ng pamahalaang Pilipinas, maraming salamat na lang at makakatipid pa sila ng malaki. […]