• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ginagalang ang “fine remarks” ni US President Donald Trump

GINAGALANG ng Malakanyang ang naging pahayag ni US President Donald Trump sa naging hakbang ng pamahalaan na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

 

Batay sa naging pahayag kasi ng US President, kung yun aniya ang pasiya ng pamahalaang Pilipinas, maraming salamat na lang at makakatipid pa sila ng malaki.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, natural lang ang mga gayung pahayag lalo’t sa tingin ng kabila ay maituturing na “unsatisfactory” ang naging hakbang ng pamahalaan patungkol sa VFA.

 

Kaugnay nitoy wala namang nakatakdang pag-uusap ang Pangulong Duterte at si President Trump na may kinalaman sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement.

 

Matibay aniya ang pani-nindigan ng Pangulo na panahon na para huwag tayong umasa sa kaninomang bansa kung pag-uusapan ay isyu na may kinalaman sa depensa. (Daris Jose)

Other News
  • ‘TWBU’, nasa number 3 spot ng Netflix PH: ALDEN, masaya sa sunud-sunud na tagumpay ng mga projects sa GMA

    MASAYA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa sunud-sunod na tagumpay ng mga projects na ginawa niya sa GMA Network.       Matapos mag-open last June 17 sa Netflix PH ang romantic-drama teleserye na  The World Between Us, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang good news ay nasa number 3 spot na sila sa Top 10 shows.   […]

  • PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

    “THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.”     Ito ang inihayag ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng  Philippine Independence […]

  • 171 kabataang Bulakenyo, lumahok sa Summer Sports Clinic 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – May 171 kabataang Bulakenyo ang lumahok sa isinagawang Summer Sports Clinic 2022 Mass Graduation kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Ayon sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), ginanap ang nasabing sports clinic sa Bulacan Sports Complex sa Brgy. Santa Isabel mula Mayo […]