• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 arestado sa buy bust sa Valenzuela

Limang hinihinalang drug personalities ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo  sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega kontra kay Noel Rotairo Jr., 53, sa isang kubo sa Star Apple St. Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

Nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Randy Canton na nagpanggap na buyer kay Rotairo ng P300 halaga ng shabu at matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nang kapkapan ni PSSg Gabby Migano, nakuha kay Rotairo ang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,000 ang halaga, buy bust money, P270 cash at asul na kipling pouch.

 

 

Inaresto din ng mga operatiba si Joshua Brazil, 21, at Domingo Mendoza Jr., 39,  matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa loob ng kubo at narekober sa kanila ni PCpl Ed Shalom Abiertas ang isang unsealed plastic sachet ng may bahid ng hinihinalang shabu, kandila at ilang drug paraphernalias.

 

 

Dakong 10 naman ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU na sina PCpl Jhun Ahmard Arances at PCpl Maverick Jake Perez sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa buy-bust operation sa kahabaan ng Jadevine St. Malinta si Bryan Peña alyas “Boss”, 46.

 

 

Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, nakumpiska kay Peña ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400, P300 buy bust money, P150 cash, smartphone, coin purse at mountain bike.

 

 

Samantala, ayon naman kay PSMS Fortunato Candido, dakong 7:30 kamakalawa ng gabi nang madamba din ng isa pang team ng SDEU na sina PCpl Kenneth Marcos at PCpl Mario Martin si Danilo Ranada, 41, (watch listed) sa buy bust operation sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa kanyang bahay 65 De Galicia St. Brgy. Maysan.

 

 

Nasamsam sa kanya ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shahu na tinatayang nasa P47,600.00 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash,cellphone at pouch. (Richard Mesa)

Other News
  • Ministry of Defense, naglunsad ng imbestigasyon sa leak ng detalye sa 250 Afghan interpreters

    Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces.     Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng […]

  • Buwanang pensiyon sa mga PWDs lusot na

    Lusot na sa Special Committee on Persons With Disabilities ang panukala na magkakaloob ng buwanang pensiyon sa mga kababayang may kapansanan o persons with disablity (PWDs).    Sa ilalim ng House Bill 7571 na inihain ni Bohol Rep. Alexie Tutor, layon dito na magtatag ng Social Pension Program sa ilalim ng Department of Social Welfare […]

  • Djokovic, na-disqualify sa US Open matapos tamaan ang judge

    Na-disqualify si Novak Djokovic sa US Open matapos tamaan niya ng bola ang line judge.   Naganap ito sa fourt round ng mag-serve ang Serbian tennis star kung saan lamang ang kalaban na si Pablo Carreno Busta ng Spain. Tinamaan nito sa leeg ang babaeng line judge ng ito ay magse-serve sana.   Matapos ang […]