• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.

 

Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.

 

“Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan ng weather, kung malamig o mainit ..kung direct sunlight o hindi”, ayon pa kay Vergeire.

 

“Ito pong praktis natin na nagbibilad sa araw ..direct sunlight kasi po ang ibang organismo talaga sa  direct sunlight namamatay pero dito sa COVID-19 , itong SARS-CoV virus hanggang sa ngayon wala pa tayong ebidensya for that”, ayon pa kay Vergeire sa Dobol B.

 

Nilinaw din ng opisyal na ang mga medical grade o surgical mask  ay mga disposable mask at kapag nabasa o nadumihan na ay kailangan nang palitan.

 

Kahit nga  hindi pa natapos ang araw kung ito ay nadumihan na at nabasa, kailangan na pong palitan na natin dahil baka mas mahawa pa kayo kung ginagamit ng paulit-ulit”, dagdag pa nito.

 

Mas mainam na rin aniyang gumamit na lamang ng “cloth mask” dahil ito ay maaring labhan at muling magamit .

 

Paalala din ni Vergeire na mahalaga na may suot na facemask at faceshield  at isinusuot ng maayos upang maproteksyunan laban sa virus . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Malakanyang, nangako sa LGUs na agad na ipamamahagi ang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na ipamamahagi sa local government units ang milyong doses ng COVID-19 vaccines.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng naging panawagan ni vaccines czar Secretary Carlito Galvez ng mataas na demand para sa bakuna sa hanay ng LGUs at sa limitadong ‘shelf […]

  • Pedicab driver tiklo sa P204K droga sa Valenzuela drug bust

    MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang pedicab driver na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga nang matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng umaga.           Kinilala ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela […]

  • KRIS, itinanggi na nakipagbalikan kay MEL dahil tapos at naka-move na; mga dahilan isa-isang isinambulat

    SINAGOT ni Kris Aquino ang IG post ni Manay Lolit Solis tungkol sa balitang baka magkabalikan sila ni Mel Sarmiento.     Say ni Manay Lolit, “May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang […]