• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’

SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters  Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.

 

 

Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa mga karangalan ng pinakamatagal na media organization sa bansa sa tradisyunal na taunang okasyon na hatid ng San Miguel Corporation (SMC).

 

 

Babalikatin din ang pagtitipon ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV, katuwang ang 1Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine.  Ang mga host ay sina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.

 

 

“Notwithstanding the pandemic, Pacquiao went around the country to help affected communities with their everyday needs. In all, he already donated more than 5,000 kilos of chicken, rice, and canned goods, aside from financial assistance in his various sorties nationwide,” pahayag Miyerkoles ng Chook-to-Go.

 

 

Ipapalabas ito sa Marso 28 sa OneSports+ simula sa ala-7:00 nang gabi hanggang alas-8:30 nang gabi. Mangunguna sa event ang pangulo ng PSA na si si Manila Bulletin Sports Editor Eriberto ‘Tito’ Talao. (REC)

Other News
  • ‘Family Matters’, big winner at waging Best Picture: NADINE, muling nakasungkit ng ‘Best Actress’ award sa FAMAS

    SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ni Nadine Lustre ang Best Actress trophy sa 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), para sa pelikulang “Greed” na tungkol sa isang mag-asawa na nanalo ng pinakamalaking jackpot sa lotto.     Una siyang nagwagi ng major award sa nasabing award-giving body, nang gampanan niya ang role […]

  • Will Navarro nagtala ng career-high ng talunin ang NorthPort ang Converge 112-97

    Hindi pinaporma ng NorthPort BatangPier ang Converge FiberXers 112-97 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araeta Coliseum.     Bumida sa panalo ng NorthPort si William Navarro na nagtala ng 29 points, 17 rebounds at siyam na assists.     Nagdagdag naman ng 26 points at 10 assists si Robert Bollick habang […]

  • 86% mga Pinoys na-stress dahil sa COVID-19 – SWS

    NASA 86% na mga adult Filipino ang nakaranas ng stress dahil sa coronavirus.   Sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS), 58% na mga adult Filipinos ay nakakaranas ng “great stress” habang 27% naman ang “much stress”dahil sa virus.   Mayroon namang 15% ang hindi nakaranas ng iba’t ibang stress.   Lumabas din […]