• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 26th, 2021

GARY, hinihiling na ipagdasal na hindi mahawa sa Covid-19; ANGELI, tanggap na nag-positive ‘wag lang ang asawa

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa nag-positive siya sa Covid-19.

 

 

“Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay! 

 

 

Pero huwag daw mag-alaala sa kanya ang mga friends niya at nag-post siya ng: “Guess why I posted this? Here I am isolated because I am Covid positive. I should be afraid right? But I am married to a man who has Type 1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycaemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass/open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery. 

 

 

Whew! So having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together.”

 

 

Binanggit din ni Angeli, na tulad ni Gary, marami rin siyang pinagdaanan sakit at surgeries.

 

 

“Please pray that Gary doesn’t get it.  I don’t mind getting it for as long as he is spared from this disease. BY HIS STRIPES I AM HEALED!”

 

 

***

 

 

ANG actor na si Piolo Pascual naman ang nagpakita sa vlog niya, ng kanyang hilltop mansion sa Batangas. 

 

 

Mula sa kanyang property doon, situated in the middle of a mountain, makikita sa ibaba mula sa kanyang balcony, ang Oriental Mindoro at Sombrero Island.  Malapit din siya sa beach.

 

 

Ipinakita ito ni Piolo nang bisitahin siya ng mag-asawang sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, ang iba’t ibang lugar sa mansion, like the yoga deck, a sunset bar, and the 25-meter swimming pool, a small basketball court, and a nursery for his veggies.

 

 

Sila raw ang nagtatanim ng mga gulay for their food at may sarili rin silang poultry sa farm. Dagdag pa ni Piolo, ang mga furniture niya sa mansion ay mula pa sa Mountain Province na sinasadya pa niyang bilhin tuwing aakyat siya roon.

 

 

Work is in progress pa rin sa mansion, at ang isa sa itatayo roon ni Piolo ay isang chapel, and a big cross as a landmark, “I’m going to give it to the community.”

 

 

Kasama ni Piolo sa kanyang mansion ang Mommy Amy niya.  Iyon ang napiling lugar ni Piolo dahil hindi na raw niya kailangang sumakay ng airplane para puntahan.

 

 

Natutunan din ni Piolo ang mga simpleng bagay na naa-appreciate niya at magandang lugar para mag-recharge lalo na pagkatapos ng maraming trabaho.

 

 

***

 

 

HINDI makatiis si Jake Ejercito na matagal mawalay sa kanya ang anak na si Ellie, ang love child niya kay Andi Eigenmann, kaya for the first time ay nagbiyahe siya sa Siargao para sunduin ang anak.

 

 

Magkatulong na pinalalaki nina Jake at Andi si Ellie. Last year dahil sa Covid-19 pandemic, matagal na nakasama ni Jake ang anak, habang nasa Siargao naman si Andi, kasama si Lilo, ang anak nila ng surfer na si Philmar Alipayo.

 

 

Matapos magsilang si Andi sa baby boy nila ni Philmar na si Koa, sa Manila, isinama niya muli si Ellie pabalik sa Siargao, kaya sinundo na siya ni Jake.

 

 

Tweet ni Jake: “First time in Siargao, to collect the offspring.” (NORA V. CALDERON)

Saso papalo sa LPGA ‘JT’

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPAGPAPATULOY ni Yuka Saso ang pagkampanya sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21, hahambalos sa ¥80M (₱35.7M) 9th Axa Ladies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture, Japan sa  Marso 26-28.

 

 

Magsisilbi ang tatlong araw na torneo para sa 19-anyos na Pinay-Japanese na ipinagmamalaki ng San Ildefondo, Bulacan na ika-18 niya sa Tour makalipas maka-14 sa 2020 at ikaapat sa kasalukuyang taon.

 

 

Kaka-triple-tie lang ng top Philippine pro sa 50th place sa 12th sa T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Prefecture nitong Linggo na rito’y kumita siya ng ¥400K (₱178K).

 

 

Kabilang si Saso sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1.080M (P480K) sa 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi Prefecture noong Marco 14.

 

 

Sumablay siya sa cut sa pagsosyo lang sa eight-way tie sa 63rd spot sa 34th Daikin Orchid Ladies Golf Tournament 2021 noong Mar. 7 sa Rykyu Golf Club sa Okinawa Prefecture kaya nabokya sa papremyo. (REC)

Pagbaba ng kaso ng COVID-19 aabutin ng 1 buwan – OCTA

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabutin pa ng isang buwan bago makita kung bababa ang kaso ng COVID-19 sa gitna ng paghihigpit sa community quarantine sa Metro Manila at apat na karatig probinsiya.

 

 

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, posibleng makikita ang epekto ng mga “interventions” na ipinatutupad ng pamahalaan sa susunod na dalawa o tatlong linggo pero ang pinakatiyak ay sa loob ng apat na linggo o isang buwan.

 

 

Ginawang halimbawa ni David ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine noong nakaraang taon kung saan umabot ng isang buwan bago nakita ang epekto.

 

 

Idinagdag naman ni Prof. Ranjit Rye na kasama rin sa OCTA Team na kailangan talagang higpitan ng gobyerno ang ipinatutupad na general community quarantine upang magkaroon ng positibong resulta.

 

 

Sinabi pa ni Rye na kailangang mag-adjust ang mga mamamayan at tumulong rin ang pribadong sektor at mga may negosyo.

 

 

Dapat aniya tiyakin na ligtas ang mga “work place” mula sa COVID-19 at kung maaari ay ipatupad ang work from home. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

ITIGIL ang MAPANG-ABUSO at HINDI MAKATARUNGANG PANININGIL ng ILANG PUNERARYA sa PAMILYA ng mga BIKTIMA ng ROAD CRASHES

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kailan lang ay ibinalita at tinulungan ni brodcaster Erwin Tulfo ang pamilya ng isang road crash victim – isang rider ang kinaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City.

 

 

Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamiya ay naging problema pa nila ang mataas na paniningil ng punerarya kung saan dinala ang biktima.  Hindi makuha ng pamilya ang bangkay dahil sinisingil sila ng dalawang daang libong piso!  Dinipensa ito ng may ari ng punerarya na tama raw ang singil nila pero sa tatlong punerarya na pinagtanungan ni Ginoong Tulfo ay aabot lamang daw sa P30,000 to P40,000 pesos ang serbisyo.

 

 

Naibaba naman ang singil at pumayag sa P110,000 pesos ang punerarya! Mataas pa rin kung tutuusin. Pero bakit ganyan kalaki ang singilan!

 

 

Sabi nga ng iba namatayan na nga pagsasamantalahan pa! Sa karanasan ng mga abogado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) – kailangan talagang maalalayan ang pamilya ng mga biktima ng road crashes.

 

 

Minsan na namin pinuna ang ilang pulis na sa halip na asikasuhin kaagad ang basehan ng demanda ay pinipilit nilang magkaayos na sa lebel pa lang ng imbestigasyon.   Syempre tuliro pa ang pamilya at malimit walang pera at napipilitan makipagkasundo sa maliit na halaga.  Mas mahirap daw kasi kapag kinasuhan at magtatagal pa.

 

 

Ganun din ang mga punerarya. At alam naman natin na tumataas ang singil ng mga yan dahil sa malakaking komisyon na binibigay nila sa mga nagre-refer sa kanila. Ang ending namatayan na ang pamilya. Wala pang pera na makukuha dahil naibayad sa gastos at magkakautang pa.  Kailangan ng batas para proteksyunan ang mga biktima laban sa mga mapagsamantalang punerarya, mga nangongomisyon sa patay, at iba pa.

 

 

Kung may pagkakasunduan dapat ay nasa tamang damdamin at kalooban ng isip ang pamilya ng mga biktima. Dapat din mabilis ang isasampang kaso sa mga akusado sa aksidente at mabilis din ang pandinig at hatol.

 

 

Maraming pulitiko ang may serbisyong libreng burol at libing,  sana ay matingnan nila itong problemang ito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

SHARON, nag-breakdown at halos sumuko na ngayong naka-life support na si TITA FANNY; ‘di puwedeng makita, mayakap at mahalikan

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, March 24, ramdam na ramdam talaga ang bigat na nararamdaman nang makarating sa kanya ang balitang naka-life support na ang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz na si Fanny Serrano na kilala rin bilang TF(Tita Fanny).

 

 

Nauna ngang ibinihagi ni Sharon ang nakalulungkot na balita sa isang video clip nang magkaroon ng ‘massive stroke’ ang sikat na stylist at make-up artist ng mga stars noong March 16, na kung saan hindi talaga niya napigilang umiyak at nakiusap na ipagdasal ang pinakamamahal na si TF.

 

 

Panimulang post ni Sharon,HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own…I do not know what to do with myself…TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end… I think I have kept that promise.

 

 

Sa pagpapatuloy ni Mega, But THIS IS NOT the end I want for you…I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say…there are just no words for how painful this is for me and the others who love you…

 

 

Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay…I love you so much…

 

 

Tanong pa niya, Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon..?

 

 

Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang? PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY.

 

 

Huwag muna po sana, Lord…

 

 

Agad namang nag-comment sa post niya ang mga kaibigang celebrities at followers na nalulungkot din sa sinapit ni TF at nagpakita ng suporta sa pinagdadaanan ni Sharon ngayon, at sasamahan din sa pagdarasal na sana’y malampasan ni Tita Fanny ang matinding pagsubok.

 

 

Kabilang nga dito sina Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Carmina Villarroel, Jackie Lou Blanco, Ogie Alcasid, Jed Madela, Rosanna Roces, Sunshine Cruz, Dingdong Avanzado, Manilyn Reynes, at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

MGA GYM, SPAS, INTERNET CAFES SARADO SA NAVOTAS

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 054 Series of 2021 na nag-aatas sa pansamantalang pagpapasara ng mga gyms, spas, at internet cafes sa lungsod habang umiiral ang mahigpit na general community quarantine sa Metro Manila mula March 24 hanggang April 4, 2021, maliban kung ito’y pahabain.

 

 

Alinsunod ito sa Metropolitan Manila Development Authority Resolution No. 21-05 at sa Department of Trade and Industry Memorandum Circular No. 21-11.

 

 

Layon ng EO na higit mabawasan ang pagkalat at paghahatid ng COVID-19 sa komunidad.

 

 

“Ang Navotas City Hospital at ang aming community isolation ay umabot sa full capacity dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa ating lungsod. Kailangan nating gawin ang lahat ng pag-iingat at mga hakbang sa kaligtasan upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng virus,” ani Tiangco.

 

 

Ang kagamitan sa mga gym at fitness center, pati na rin ang surfaces at lugar, ay naibabahagi sa mga parokyano nito, kaya nadaragdagan ang panganib na mahawaan ng virus. Ganun din sa mga internet cafe, kung saan ang bilang ng mga tao ay gumagamit ng isang yunit ng computer na nagpapataas ng posibilidad hawaan .

 

 

Sa kabilang banda, ang social distancing sa mga spa at massage parlor ay halos imposible at mahirap para sa mga manggagawa at kliyente na masunod ang minimum safety protocols.

 

 

“Patuloy nating isuot nang maayos ang ating face mask, magsanay ng social distancing, palaging maghugas ng mga kamay, at manatili sa bahay hangga’t makakaya natin. Ang mga safety protocols ang ating pangunahing proteksyon mula sa virus, lalo na ang bago at transmissible variants,” paalala ni Tiangco.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ng DOH na may 10 kaso ng B.1.1.7 (UK) at isang B.1.351 (South African) variants ang naitala sa Navotas. (Richard Mesa)

Peak ng COVID-19 case noong 2020 nahigitan na

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nalagpasan na ngayong Marso ang peak ng mga kaso ng COVID-19 na naitala noong Hulyo 2020 kung saan nailagay na sa “high risk” ang Metro Manila at “moderate risk” naman ang lima pang rehiyon sa bansa.

 

 

Ayon sa Department of Health, tumaas ang mga kaso sa NCR ng 137% mula Marso 7-20 lamang, kumpara sa mga naitala mula Pebrero 21 hanggang Marso 6.

 

 

Nalagpasan na ngayong Marso ang peak ng mga kaso ng COVID-19 na naitala noong Hulyo 2020 kung saan nailagay na sa “high risk” ang Metro Manila at “moderate risk” naman ang lima pang rehiyon sa bansa.

 

 

Ayon sa Department of Health, tumaas ang mga kaso sa NCR ng 137% mula Marso 7-20 lamang, kumpara sa mga naitala mula Pebrero 21 hanggang Marso 6.

 

 

Pitong rehiyon naman sa bansa ang nagtaas na ng kanilang healthcare capacity na pinangu­ngunahan ng NCR na may 21% increase sa kapasidad.

Pilipinas hindi pa nakakabili ng bakuna laban sa COVID-19 – PRRD

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakakabili ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ito ang naging kasaguntan ng pangulo sa mga tanong ng ilang opisyal na kung saan napunta ang inutang ng gobyerno pambili ng nasabing bakuna.

 

 

Sa kaniyang public address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo na ang mga bakuna na dumating noong nakaraang mga linggo ay donasyon mula sa China at COVAX facility na pinangangasiwaan ng World Health Organization (WHO).

 

 

Iginigiit pa rin ng pangulo na ang mga perang inutang ng gobyerno ay nasa banko pa rin at hindi pa rin ito ipinapasakamay kanino man.

 

 

Magugunitang aabot sa halos 1 milyon na Sinovac mula sa China ang natanggap ng bansa at mayroong 525,000 doses ng AstraZeneca mula sa Covax facility. (Daris Jose)

Batangas, Pampanga may pagsipa sa COVID-19 cases kahit nasa labas ng ‘bubble’: OCTA

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nababahala ang independent group na OCTA Research sa tumataas ding kaso ng coronavirus (COVID-19) sa mga lugar na nasa labas ng tinaguriang NCR (National Capital Region) Plus bubble.

 

 

Kabilang na rito ang mga lalawigan ng Pampanga at Batangas.

 

 

Batay sa pinakabagong report ng OCTA, tumaas ng 141% o 150 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Batangas mula March 17 hanggang 23. Kumpara sa average na 62 new cases noong unang dalawang linggo ng buwan.

 

 

Habang 86% o 121 na bagong kaso ng sakit ang isinipa ng numero sa Pampanga, mula sa average na 65 new cases na naitala sa nagdaang linggo.

 

 

Ayon kay Prof. Guido David, mas mataas ang increase na kanilang na-obserbahan sa dalawang lalawigan kumpara sa bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa mga lugar na sakop ng NCR Plus bubble.

 

 

“That is very significant, that’s a very big increase. That increase is even bigger in some of the increase seen in the bubble provinces,” ani David sa interview ng CNN Philippines.

 

 

Dapat umanong bantayan ng pamahalaan ang Batangas at Pampanga, at pag-aralan ang posibilidad na palawigin ang bubble o paghihigpit sa dalawang probinsya kung patuloy na tataas ang kanilang COVID-19 cases.

 

 

Samantala, sinabi rin ng OCTA na bumaba ng kaunti ang reproduction number (R-Naught) o bilang ng mga nahahawaan ng confirmed case sa NCR.

 

 

Sa ngayon daw kasi nasa 1.91 na ang R-Naught ng Metro Manila, mula sa 1.99 kahapon, araw ng Miyerkules.

 

 

“It is too early to tell if this is the beginning of a hoped-for downward trend in the reproduction number, given that the NCR was placed under the GCQ bubble.”

 

 

Ayon kay Prof. David, maaari lang masabi na nasa downtrend na COVID sa Metro Manila kung bababa pa sa 1.5 ang R-Naught ng rehiyon.

 

 

Una nang sinabi ng Department of Health na bumilis pa ang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa. Bukod sa NCR, nagtatala rin daw ng matataas na bilang ng bagong kaso ng sakit ang Calabarzon at Central Visayas.

 

 

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng Epidemiology Bureau, higit 200% ang itinaas ng bilang ng bagong COVID cases sa NCR.

 

 

“Nung simula ng taon nationally we were report 1,274. In the past we’re now report 5,644. Ayaw nating tumuloy tuloy yung pagtaas ng kaso, dito papasok yung ambag ng bawat individual, establishment at LGUs to implement minimum public health standards and other safety protocols.”

 

 

Sa datos ng OCTA, as of March 25, nangunguna pa rin sa may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID sa NCR ang Brgy. Fort Bonifacio sa Taguig, Brgy. 76 at 183 sa Pasay, Brgy. Pio del Pilar sa Makati, at Brgy. Commonwealth sa Quezon City. (Daris Jose)

DION, pinost ang prenup photos at ready nang magpakasal sa non-showbiz girlfriend

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

READY nang magpakasal ang Kapuso hunk na si Dion Ignacio sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Aileen Sosa.

 

 

Pinost nga ni Dion sa Instagram ang prenup photos nila ni Aileen na kinunan sa Tanay, Rizal.

 

 

Taong 2018 nang aminin ni Dion sa media na may anak na siya mula sa kanyang ka-live-in na girlfriend. Dylann Jailee ang name ng daughter nila.

 

 

Kasama sa pinangako ni Dion kay Aileen ay yung magpapakasal sila at pag-iipunan daw niya iyon para maibigay niya kay Aileen ang dream wedding nito.

 

 

Nabanggit noon ni Dion na malaki ang pinagbago niya simula noong maging isang tatay na siya. Tinigil na raw niya ang makipagbarkada at ang magpaumaga sa inuman. Mas gusto na raw niyang nasa bahay siya kasama ang kanyang mag-ina.

 

 

Tinapon din daw ni Dion ang kanyang cellphone kunsaan nandoon ang contact numbers ng mga naka-date niyang mga babae. Tapos na raw kasi ang buhay-binata niya at ready na siya sa buhay na may pamilya.

 

 

***

 

 

DAHIL naka-three seasons ang TV5-Cignal TV teleserye na Paano Ang Pangako?, nakabawi na raw si John “Sweet” Lapus financially.

 

 

Pati ang estado ng kanyang mental health ay naging maayos na dahil sa magkakasunod na trabaho.

 

 

“Heto at nakakabawi na tayo. Yung unang suweldo ko sa teleserye na Paano Ang Pasko? nagbayad na ako sa iba na may utang ako. 

 

 

“Sana matuloy agad ang next show ko, this time as director naman, para hindi matengga ng matagal. 

 

 

“Napakalaking tulong ng Paano Ang Pasko? (now retitled Paano Ang Pangako?) sa aking mental health. Nababaliw lang naman ako kapag walang ginagawa. 

 

 

“Kaya l’m so grateful sa IdeaFirst for this job. They saved me emotionally, mentally at financially. Miss ko na ang buong PAP family. Napakasaya ng set namin.”

 

 

Ang isa pang pinagpapasalamat ni Sweet ay ang pag-alaga sa kanilang kalusugan ng production team ng IdeaFirst.

 

 

“Napakabait nila and they assured our safety during our lock-in taping. May RTPCR test swab bago kami pumunta sa hotel namin sa San Pablo, Laguna. May safety officer at medics sa set. 

 

 

“May exit swab ang lahat bago umuwi sa pamilya after each cycle. Nakakabilib talaga ang pag-asikaso nila sa aming lahat sa set.

 

 

“Balita ko kasi may mga production/network na KKB (kanya-kanyang bayad) ang mga tao na gusto magpa/exit swab. Kawawa naman ang iba na walang pang bayad, ‘di ba?”

 

 

Looking forward si Sweet sa pagkakataong muli siyang uupo bilang direktor. Huli niyang directorial job ay ang Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto.

 

 

“Yes at nagpe-pre-prod na kami ng isang miniseries na romcom for me to direct. Hindi pa puwedeng magbigay ng detalye. But may awa ang Diyos sa last week of April kami mag-start ng lock-in taping.”

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Hollywood actor and musician na si George Segal sa edad na 87 sa Santa Rosa, California.

 

 

“The family is devastated to announce that this morning George Segal passed away due to complications from bypass surgery,” ayon sa official statement ng pamilya ng aktor.

 

 

Nakilala si George sa mga films na The Owl and the Pussycat, Ship of Fools, King Rat, The St. Valentine’s Day Massacre, Where’s Poppa?, The Hot Rock, Blume in Love, A Touch of Class, California Split, For the Boys, Flirting with Disaster, The Mirror Has Two Faces, Look Who’s Talking? and Who’s Afraid of Virginia Woolf? kunsaan nakatanggap siya ng best supporting actor nomination sa Academy Awards.

 

 

Lumabas din si George sa hit sitcoms na Just Shoot Me, Pushing Daisies, Entourage, Caroline in the City and The Goldbergs.

 

 

Isa ring accomplished banjo player si Segal at nakagawa ito ng tatlong albums: The Yama Yama Man, A Touch of Ragtime and Basin Street. (RUEL J. MENDOZA)