• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Camarines Norte attack ng NPA sa mga sundalo, pasok sa int’l rules of war, ipinagkibit-balikat ng Malakanyang

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ‘justified’ ang pag-atake ng New People’s Army sa Camarines Norte na ikinasawi ng limang pulis noong nakaraang Biyernes.

 

“Well, depende po yan noh? hIndi ko po alam iyong circumstance ng sinasabi nila noh? pero ang kinukuwestiyon po ng marami eh bakit hanggang ngayon iyong mga CPP-NPA ay patuloy nga na pumapatay ng kapwa Filipino noh? Bakit hindi pa nila ibaba ang kanilang mga armas kahit marami na naman silang mga kasama na napakagaling sa larangan ng parliamentary struggle. Eh pupuwede namang gawin sa mapayapang pamamaraan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Ang sinasabi lang ng Presidente, bakit kinakailangan pang makipagpatayan,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, sa ilalim ng “international rules on the conduct of war” iginiit ng CPP nabigyang katwiran ang pag-atake ng NPA sa Camarines Norte na ikinamatay nga ng limang pulis.

 

“The NPA raid in Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte was a legitimate military action consistent with international rules on the conduct of war,” ayon sa pahayag ng CPP.

 

“The target, a counter insurgency outpost of highly-trained police special action forces, was a legitimate military target,” dagdag pa sa pahayag.

 

Ang komento ng CPP ay sagot sa pagkondena ng Commission on Human Rights sa nasabing pagpatay.

 

Ipinunto pa ng CPP na ang mga nasawing pulis sa raid ay armado.

 

Ayon pa sa teroristang grupo na maayos umano nilang trinato ang tatlong pulis na sumuko sa NPA, kung saan ginamot pa umano ng medic nila ang mga nasugatang parak bago umalis.

 

“We urge the foot soldiers of the AFP and PNP who find themselves in battle with the NPA, especially a superior NPA force, to choose to surrender and submit their firearms in order to avoid the loss of lives,” ayon pa sa pahayag.

 

“The NPA assures enemy troops who surrender that no harm will befall them and that their rights under the Geneva Conventions governing the conduct of war will be respected.” (Daris Jose)

Other News
  • Stephen King’s The Long Walk Adaptation Zeroes In On First Cast Members

    THE Long Walk adaptation is confirmed for filming in July 2024, with potential leads Copper Hoffman and David Jonsson.   The premise suggests the need for multiple male actors, this Hoffman and Jonsson possibly portraying the main characters.   Hoffman and Jonsson, though not officially confirmed, have promising resumes for their potential roles in The […]

  • 28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas […]

  • Hindi lisensyadong COVID-19 Testing Lab na nag-aalok ng RT-PCR test sa Valenzuela, ipinasara

    Ipinasara at sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang business permit ng Bestcare Medical Clinic at Diagnostic Center, Inc. makaraan ang natanggap na mga ulat na nag-aalok ito ng RT-PCR swab test na walang lisensya bilang isang accredited COVID-19 testing facility.     Ito’y matapos lagdaan ni Mayor Rex Gatchalian ang Executive Orders No. 015 […]