Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlifting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas okay ‘yung nandoon ka, at prepared ka. Mas okay na prepared ka talaga.”
Ang paglahok na lamang sa nasabing qualifying tournament ang kailangan ni Diaz para pormal na sikwatin ang tiket sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Base sa Olympic qualifying ratings process ng (International Weightlifting Federation) IWF, dapat sumabak ang mga Olympic hopefuls sa anim na IWF-sanctioned competitions para makakuha ng silya sa quadrennial event.
Hangad ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang kanyang ikaapat na sunod na Olympics appearance.
Naniniwala ang 30-anyos na si Diaz na makakasama niya sa kampanya sa 2021 Tokyo Olympics sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlo Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
-
1 gradweyt kada pamilya, target ni Bong Go
Inihayag ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyante ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa. Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang 10 milyong […]
-
Explore Wonder with the New Trailer of “IF”: A John Krasinski and Ryan Reynolds Magic Extravaganza
EMBARK on a magical journey with “IF,” a heartwarming adventure directed by John Krasinski and starring Ryan Reynolds. Watch the new trailer and get ready to rediscover the power of imagination! The curtains rise on a realm where fantasy and reality blur, introduced through the mesmerizing new trailer of “IF.” Directed by the […]
-
Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses
Nagkasundo ang Moderna Inc. at gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 13 milyong doses ng bakuna ng kumpanya na nakatakdang ideliber sa bansa sa kalagitnaan ng taon. Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization […]