• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NITAG, nagdesisyon na ibigay ang 400k bakunang Sinovac

NAGDESISYON na ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ibigay ang pinakahuling donasyon ng China na 400,000 Sinovac sa mga medical health workers sa pinakaapektado ng new variants, kasama na ang NCR Plus, Cebu at Davao.

 

“Yan po ay impormasyon na ipinarating sa atin ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa lalong mabilis na panahon naman ani Sec.Roque ay ipamamahagi na ang nasabing bakuna.

 

“Iyong iba pang health workers natin ay magkaroon na ng kanilang bakuna. Karamihan pa rin po diyan ng 400,000 ay inilalaan natin sa NCR Plus. Hindi lang sa NCR, kasama ‘yung Bulacan, Laguna, Cavite,” aniya pa rin.

 

Aniya, tuluy-tuloy ang pagbabakuna lalo pa’t maraming lugar na ang naubusan ng bakuna.

 

“So, inaasahan po natin na sa lalong mabilis na panahon eh mauubos natin yang 400,000 na yan,” aniya pa rin.

 

Dumating noong Miyerkoles, Marso 24 sa Pilipinas ang dagdag na 400,000 doses ng COVID-19 vaccines ng Sinovac, na bahagi ng donasyon ng gobyerno ng China.

 

Pasado alas-7 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang eroplano ng Philippine Airlines lulan ang donasyong dagdag sa 600,000 Sinovac vaccines na unang dumating sa Pilipinas noong Pebrero 28.

 

Na-disinfect muna ang bakuna bago ibinaba ng eroplano.

 

Kasama sa mga sumalubong sina Health Secretary Francisco Duque, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Duque na nagpapasalamat ang Pilipinas sa dagdag na bakunang donasyon.

 

Napapanahon aniya ang dating nito dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Dinala muna ang bakuna sa cold storage facility sa Marikina.

 

Pag-uusapan sa Huwebes ng Interim National Immunization Technical Advisory Group kung saan ipapadala ang 400,000 doses ng bakuna.

 

Gusto ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ilaan ito sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao.

 

Sa kabuuan, nasa 1 milyon na ang bakunang na-donate ng China. (Daris Jose)

Other News
  • Ags August 5, 2024

  • Davao mafia,’ pagkakilanlan ng ‘reyna’ sa susunod na pagdinig ng Quad

    NANGAKO si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban na ibubunyag niya ang nasa likod ng sinasabing “Davao mafia” at pagkakilanlan ng “queen” na kanilang pinoprotektahan at ilalagak bilang presidente sa 2028 sa tamang panahon.   Hiniling ni Guban, whistleblower sa Quad Comm, ng dagdag panahon upang ihayag ang mga impormasyon na kanyang nalalaman dala na […]

  • Kelot na nagwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela, timbog

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang damputin ng pulisya matapos maghasik ng takot makaraang magwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 o ang Comprehensive Frirearms and Ammunation Regulation Act ang naarestong suspek na si alyas “Aries”, 25, at […]