• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 30th, 2021

Manila City government maglalabas ng quarantine pass

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ).

 

 

Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat isang pamilya.

 

 

Nakasaad din sa memorandum na inilabas ni Manila Mayor Isko Moreno ang schedule ng mga nakatalagang family member na lalabas at dedepende rin ito sa control number na nakasaad sa quarantine pass.

 

 

Magugunitang noong nakaraang taon ay naglabas na rin ng quarantine pass sa bawat pamilya para maiwasan ang pagsisiksikan gn mga tao sa mga palengke at maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19.

Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa – DTI

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.

 

 

Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.

 

 

Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.

 

 

Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.

Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon  na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.

 

Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” ,

 

Subalit binigyang-diin niya na sa halip na isulong ni Drilon ang panukalang batas ay mas makabubuti aniya na kondenahin nito si Jose Ma. Sison,” founder ng Communist Party of the Philippines (CPP).

 

“I have yet to see the bill. Condemn Jose Ma. Sison. He recited in a video his partners in his violent and terroristic grab for state power,” ang pahayag ni Esperon.

 

“Condemn the terrorists, not the victims and law enforcers,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, nag-alok naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng neutral stance o walang kinikilingan na paninindigan nang matanong sa isyu sabay sabing nasa kapangyarihan ni Drilon ang gumawa ng batas.

 

“Legislation is an inherent function of solons and we, in the AFP, recognize that. The good Senator Drilon is well within his mandate to draft bills to be enacted into law,” ang pahayag ni Maj. Gen. Edgard Arevalo, AFP spokesperson.

 

Sa ulat, naghain si Senador Drilon ng isang panukalang batas, na magbibigay definition sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.

 

Sa ilalim ng Senate Bill 2121 ng minority leader, layong i-criminalize ang red-tagging at magtakda ng parusa para dito, upang maayos ang legal gaps at matugunan ang impunity, at magkaroon ng accountability sa bansa.

 

Sa ilalim ng naturang panukala, pinapakahulugan ang red-tagging bilang ang pag-label, paninirang-puri, pag-aakusa, pag-uusig, stereotyping, pangha-harass o caricaturing ng mga indibidwal, grupo o organisasyon bilang mga kalaban ng pamahalaan, makakaliwa, subersibo, komunista o terorista bilang bahagi ng anti insurgency o anti terrorism strategy.

 

Sino mang mapapatunayang guilty sa red-tagging, ay papatawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang sampung taon, at posibleng hindi na payagang makahawak pa ng ano mang posisyon sa gobyerno.

 

Paliwanag ni Drilon, hindi sapat ang kasong libel o grave threat para sa red-tagging lalo at isang state agent ang gumagawa nito, kaya naman nagreresulta ito sa seryosong paglabag sa karapatang pantao gaya ng harrassment, arbitrary arrests, detention at enforced disappearances.

 

May ilang pagkakataon rin aniyang nagreresulta ito sa pagkamatay.

 

Umaasa ang senator, na sa tulong ng pagpapasa ng panukalang ito ay matitigil na ang tumataas na bilang ng human rights violations sa bansa, at ang mga pag atake sa mga miyembro ng legal profession sa Pilipinas.

 

Magsisilbi rin aniya itong paalala sa pamahalaan, tungkol sa pangunahing tungkulin ng gobyerno sa ilalim ng konstitusyon na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan. (Daris Jose)

Ads March 30, 2021

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Santiago, Ageo Medics kampeon sa V.League

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMAMBALOS ng mahalagang  11 points sa pamamagitan ng nine attacks at two blocks si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago para kargahin ang Saitama Ageo  Medics sa pagtaob sa NEX Red Rockets, 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 upang magkampeon sa 27th Japan V.League Division 1 V Cup 2021 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo Linggop, Marso 28.

 

 

Naging unang Pinay na balibolista ang 25 taong-gulang, 6-4 ang taas at isinilang sa Tanza, Cavite na nakakopo ng korona  sa isang indoor women’s volleybvall league sa labas ng ‘Pinas.

 

 

Ineklipsehan din ng middle blocker ang PH record na niya noong Enero 2020 na bronze medal finish sa nasabi ring liga at koponan.

 

 

Dagdag prestihiyo pa sa dalaga at Medics na hindi natalo pitong laban sa torneo at diniin na hindi rin tsamba ang pagwalis sa Rockets sa qualification match via straight sets. (REC)

Ardina, Guce bulilyaso sa 16th Symetra Tour 1st leg

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUMABLAY sa cut sina Dottie Ardina at Clariss Guce ng ‘Pinas sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 first leg – $200K inaugural Carlisle Arizona Women’s Golf Classic sa Longbow Golf Club sa Mesa, Arizona.

 

 

Pumalo ng two-round 146 sa mga round na 74-72 ang US-based na si Guce upang humilera lang sa 12 magkakatabla para sa ika-62 puwesto sa tatlong araw na golfest.

 

 

Kabilang naman sa 12 magkakasalo para sa ika-79 na katayuan na mayroong 147 (75-72) ang taga-Laguna na si Ardina para magaya kay Guce na zero sa cash prizes sa 54-hole event.

 

 

Dinale si Ruixin Liu ng China ang korona ng torneo na sinabakan ng 107-player mula sa iba’t ibang panig ng daigdin.

 

 

Dinaig ng Chinese 17-taon pa lang at reigning US Women’s Amateur champion na si American Rose Zhang sa second hole ng sudden-death playoff para upang ibulsa ang $30K ₱1.4M. (REC)

Famy, Laguna Mayor Pangilinan pumanaw na matapos dapuan ng COVID-19

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na ang alkalde ng bayan ng Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan matapos dapuan ng COVID-19.

 

 

Kinumpirma ito ng kampo mismo ng 53-anyos na alkalde.

 

 

Ayon sa Public Affairs Office ng Laguna, dinala pa sa pagamutan ang alkalde noong Marso 15 dahi sa hirap itong huminga at noong araw din yun ay nagpositibo COVID-19.

 

 

Kasabay din na pumanaw ang ina ng alkalde na si Lucena dahil sa hirap sa paghinga sa edad na 76.

Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.

 

 

Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon City at PSU Nittaly Lions freshman para maging solo lider sa katayuan pagkaraan ng three rounds ng kanyang disiplina para maging liyamado sa 4tt-5th sa Linggo (Lunes ‘Pinas).

 

 

Nasa 23 ang kjaribal ng dating University of the East standout high schooler sa kanyang event, na aktuwal 22 na lang dahil napilayan ang isa sa apat na araw na eskrimahan .

 

 

Gaganapin gaya ng women’s foil  Rounds 4 at 5 pati ang semifinals at finals sa Lunes (Manila time) para sa women’s saber at epee.

 

 

Huhugutin ang Final Four na maglalabo-labo sa gold-silver at bronze medals makalipas ang last two rounds. (REC)

Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef.

 

 

Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

 

 

Siniguro rin ng kalihim sa sambayahan na mayroon nang hakbang ang pamahalaan para lutasin ang isyu.

 

 

“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese Ambassador. We are ready to defend our national sovereignty and protect the marine resources of the Philippines,” pahayag ni Lorenzana.

 

 

Ayon sa kalihim, may mga barko na ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang ipinadala sa lugar.

 

 

Asahan na rin ang mas maraming barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na magsasagawa ng sovereignty patrols para protektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.

 

 

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang Department of National Defense (DND) sa iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Coast Guard at Bureau of Aquatic and Fisheries Resources para magsanib pwersa hinggil sa kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea at ang Kalayaan Island Group (municipality of Pag-asa).

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na nasa 183 Chinese vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef batay sa isinagawang maritime patrol ng Philippine Air Force aircraft sa lugar.

 

 

Binigyang-diin ni Sobejana na hindi nila papayagan na masakop ng China ang Julian Felipe Reef gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.

 

 

Aniya, magkatuwang ang AFP, DND at Department of Foreign Affairs para maresolba ang isyu sa Julian Felipe Reef.

 

 

Ayon sa AFP chief, ayaw nila humantong sa military action kaya ginagawa nila ang lahat sa pamamagitan ng diplomatic approach.

DepEd handang ipagamit ang mga paaralan bilang vaccination center

Posted on: March 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Papayagan ng Department of Educations (DepEd) na gamitin ang mga paaralan bilang vaccination centers kapag wala ng ibang lugar pa.

 

 

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, na ipapatupad pa rin nila ang polisiya sa mga paggamit ng pasilidad ng DepEd kapag gagawin ang mga ito bilang vaccination centers.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Health at mga local government units para sa pagpili ng mga lugar na gagamitin bilang vaccination center.

 

 

Paglilinaw naman ng DepEd na ang mga paaralan na napili para sa testing ng in-person classes ay hindi maaaring piliin pa na maging vaccination centers.