SARAH, binigyang pugay ang mga magulang sa virtual concert; MATTEO, ibinahagi ang kanilang wedding photo shoot
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
NAGING touching sa amin, kahit na wala sa mismong virtual concert ni Sarah Geronino na Tala The Film Concert ang mga magulang niya at kapatid.
May isang segment na binigyang honor ni Sarah ang mga magulang. Kahit open sa publiko ang nangyaring pagtutol ng parents ni Sarah sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli, ipinakita niya ang dating duet nila ng Tatay niya ng “I Will Be Here.”
Sabi ni Sarah, hindi raw dapat mag-give-up sa mga mahal sa buhay.
Aniya, “You could have all the richest in the world, have the material things na gusto mo, pera na gusto mo pero, popularity, fame na gusto mo pero kung wala naman sa buhay mo yung mga pinaka-importante sa ‘yo, balewala lahat ito.
“Life is not easy, may kanya-kanya po tayong mga personal issues pero focuso on the positive things, be happy, be content at enjoy.”
Sa isang banda, free na free na si Matteo na present sa concert ng Popstar Royalty, one year na rin simula nang ikasal sila secretly. At ibinahagi pa ni Matteo ngayong noong Linggo ang naging photo shoot nilang mag-asawa after that controversial secret wedding, bukod pa sa magsisimula na rin silang magpatayo ng properties bilang mag-asawa. Nag-groundbreaking na nga sila sa Batangas.
Sa concert, pakatamis tumawag ng “Love” ni Sarah kay Matteo. Na ayon dito, sa loob ng isang taon ay nag-mature na raw sila.
Sa kabuuan, iba talaga si Sarah. Walang kupas at napakahusay pa rin sa join-production ng VIVA Live at G Productions nina Sarah at Matteo.
***
MULING binuhay ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga ang mga dating isyu sa kanila at ilang blind-items na parang obvious naman na sila kasi ang tinutukoy.
Sa vlog ni Alex, habang mine-meyk-apan niya ang kapatid, sinasagot nila ang ilang naging isyu sa kanila na tingin ng mga fan at netizens, hindi nila nabigyan ng kasagutan o linaw talaga.
Isa sa isyu raw, nagpunta raw sila sa salon at ang gusto raw nilang ipanghugas sa buhok nila, mineral water.
Sabi ni Toni, “Ah yung blind-item? Ni wala akong kagana-ganang sagutin ‘yan. Talaga bang papatulan mo yung ganyang kasinungalingan?”
At bonggang hirit pa nito, “Sometimes there are rumors that don’t deserve your answer. They deserve your silence.”
***
SIMULA nang maranasan ni Donita Nose ang maging positibo sa COVID-19, ma-confine sa hospital na mag-isa, iniiwasan na raw niyang manood ng news, lalo na ngayon na sobrang taas na naman ng bilang ng mga nagpo-positibo.
Ayon sa host/komedyante, “Kasi sa ngayon, ayoko talagang nanonood ng news about sa COVID talaga. Ayokong makarinig ng tumataas, maraming naho-hospital. Kasi, naranasan kong ma-hospital. “Naranasan ko kung gaano kahirap sa loob ng emergency room na wala kang kuwartong mapupuntahan sa sobrang dami ng pasyente.”
Nag-react din ito sa isyu ng singitan sa pagpapabakuna. Na sa halip na yung mga nasa priorities muna na ma-vaccine ngayon, which is, mga frontliners, may mga ibang nakakasingit.
“Well, for me talaga, wala na muna sanang singitan. Unahin muna natin ang mga frontliners kasi, mas kailangan nila ang proteksiyon. At lahat naman tayo, kailangan talaga. Mag-ingat lang. At no diet. Yun po, ‘wag muna tayong mag-diet.”
Si Donita Nose ang isa sa magiging Sing Masters ng nagbabalik na successful singing competition noong 90’s, ang Sing-Galing sa TV5. Makakasama ni Donita as masters sina Randy Santiago, Rey Valera, Ronnie Liang at Jessa Zaragoza at magsisimula ng mapanood sa April 5. (ROSE GARCIA)
-
COVID-19 outbreak sa Pinas, malabo
MALABO umanong makaranas muli ang Pilipinas ng malakihang COVID-19 outbreak, sa kabila nang naitatalang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw. Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, sa kanyang palagay ay hindi na mauulit pa ang COVID-19 outbreak na nakita noong kasagsagan ng pandemiya, kung […]
-
Gilas Pilipinas at South Korea may laro bago ang FIBA Asia Cup
NAKATAKDANG makaharap ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa buwan ng Hunyo. Ayon sa South Korea website na Jumpball , na isasagawa ang “evaluation match” mula Hunyo 17-18 sa Anyang City. Itinuturing ng South Korea ang nasabing laro ay makakatulong par asa evaluation ng kanilang manlalaro bago ang FIBA Asia Cup […]
-
Muntik nang mapaiyak sa last taping day ng ‘Daddy’s Gurl’: CARLO, ‘di makalilimutan ang karanasang nakatrabaho sina Bossing VIC at MAINE
MUNTIK na raw mapaiyak si Carlo San Juan sa last taping day nila para sa sitcom na ‘Daddy’s Gurl’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Gumanap si Carlo sa naturang comedy show bilang si CJ. Malapit na ang pagtatapos sa ere ng sitcom at ayon mismo kay Carlo ay napamahal na […]