• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEX nakuha ang unang panalo matapos ilampaso ang NorthPort 102-88

NAITALA ng NLEX Road Warriors ang unang panalo matapos tambakan ang NorthPort 102-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

 

Naging bida sa panalo si Kiefer Ravena na nagtala ng 25 points, limang rebounds at apat na as- sists sa laro na ginanap sa AUF Sports and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

 

Nag-ambag naman ng 14 points at 10 rebounds si Kevin Alas at 17 points naman para kay JR Quinahan.

 

Nakalamang pa ng 1 ang Batang Pier 77-76 sa natiting 10:27 ng fourth quarter sa pamamagitan ni Ravena

 

Dahil dito ay mayroon ng isang panalo ang NLEX at tatlong talo habang wala pang panalo ang NorthPort na may apat na talo.

Other News
  • Ads August 28, 2020

  • Pangako nina PBBM, Vietnamese PM, palalawakin ang ugnayan sa agrikultura

    KAPWA sinang-ayunan nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na palawakin ang kanilang kooperasyon pagdating sa usapin ng agrikultura.     Sa idinaos na bilateral meeting sa Indonesia, kapuwa rin nangako ang dalawang bansa na palakasin ang  kanilang partnership pagdating sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan, turismo at maging sa […]

  • GSIS, mamumuhunan ng $300 milyong dolyar para sa global infrastructure projects

    SINABI ng Presidential Communications Office na nakatakdang mag-invest ang Government Service Insurance System o GSIS ng  3 daang milyong dolyar para sa proyektong imprastraktura partikular na may kinalaman sa transport, energy at digitalization.     Kasunod  na rin ito ng tinintahang  kasunduan sa pagitan nina GSIS President, General Manager at Acting Board Chairman Wick Veloso […]