• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga lugar na naka-granular lockdown, tututukan ng IATF

MAGPAPATUPAD ang pamahalaan nang mas mahigpit na pagmo-monitor sa iba’t ibang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y sa harap na rin ng gagawin nang pagbabahay- bahay ng mga taga DOH at mga nasa barangay upang madetermina ang mga mayroon ng sintomas ng virus.

 

Importante ayon kay Sec. Roque na agad na mai-isolate ang mga may symptoms bilang paraan na rin upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

 

Sa kabilang dako, target naman ng gobyerno na makapagsagawa ng 100 test kada araw gamit na rin ang antigen test.

 

Inihayag ni Roque na ito ang kanilang gagamiting test para sa mga masusuyod ng ikakasang pagbabahay -bahay sa ilalim ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic o CODE.

 

“Ito po’y gagamitin lalung-lalo na doon sa CODE, ito po iyong pagbabahay-bahay na naghahanap tayo ng mga may sintomas at itong mga may sintomas ay iti-test at ia-isolate. At siyempre po titingnan natin iyong mga areas na under granular lockdown din ‘no. Ito po iyong mga areas talaga kung saan magbabahay-bahay ang DOH at ang mga lokal na opisyales, naghahanap po ng mga mamamayan natin na mayroong mga sintomas para ma-test at ma-isolate,” anito.

 

Samantala, tinatayang, 500,000 antigen test kits ang nabili na para mag a-augment sa RT-PCR o swab test.

 

“Alam mo iyong mga nakalipas na araw parang nag-release po ng 35,000 PCR tests ang ating national government sa iba’t ibang lokal na pamahalaan dito lang sa Metro Manila dahil nga dito sa pagtaas ng numero ‘no. At alam po natin na habang tumataas ang numero, mas marami pang tests na kinakailangang gawin natin kada araw. So ngayon nga ‘no, from one testing lab mayroon na tayong 51,000 tests per day pero para po mapababa natin iyong tinatawag na R-0, kinakailangan maging at least 100,000 iyan ‘no.

 

Kaya nga nag-augment na  tayo ‘no. Mayroon kasi namang brand ng antigen test na napakataas ng efficacy rate na inaprubahan din ng ating FDA at DOH at iyon nga po, bibili na tayo ng 500,000 ng antigen testing kits to augment our RT-PCR,” litaniya ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • KYLIE, nag-post na ng picture ni ALJUR kasama ang dalawang anak para matigil na ang isyu ng hiwalayan

    NAG–POST na si Kylie Padilla ng picture ng mister niya na si Aljur Abrenica at dalawa nilang anak, para siguro matigil na ang isyu na hiwalay na o may pinagdadaanan silang mag-asawa.     Naka-off ang comment sa Instagram post na yun ni Kylie. So, obviously, ayaw nitong mag-entertain ng ano mang tanong, reaction o […]

  • Bonus na lang sa stars ang acting awards: ALLEN, mas gustong kumita ang movie para makabawi ang producers

    BILANG isang multi-awarded actor, parehong mahalaga kay Allen Dizon ang box office at acting award.   “In terms of producer, siyempre dapat box office, in terms of ako bilang artista, siyempre award.   “Pero sana both, di ba? May mga kita na yung producer and may award pa ang mga artista.   “Sana… para sa […]

  • Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon

    PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.   Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Hindi […]