• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS

Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.

 

 

Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes.

 

 

Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna na inireseta ng Department of Health.

 

 

“Our vaccination schedule starts at 8 in the morning. We were pleasantly surprised that vaccinees were already lining up for registration as early as 7 a.m. We thank our seniors for their eagerness to have themselves vaccinated and protected from COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Our seniors were prioritized next to frontline health workers for a reason. They are among the most vulnerable groups because their risk of getting infected or dying is higher. Let us not take chances with their health and lives. Let us make sure they are protected from COVID-19,” dagdag niya.

 

 

Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng libreng transportasyon sa mga nakatatanda, at mga kasapi ng pamilya na kasama nila, papunta at mula sa lugar ng pagbabakuna.

 

 

Muling hinimok ni Tiangco ang mga pamilyang Navoteño na magparehistro sa NavoBakuna COVID-19 website (http://covax.navotas.gov.ph). Maaari rin silang bumisita sa kani-kanilang mga barangay o health center para sa tulong. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Easter ceasefire’ sa Ukraine panawagan ni Pope Francis

    NANAWAGAN si Pope Francis ngayong Linggo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.”     “Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to […]

  • Benepisyo ng Bagong Pilipinas ramdam na ng publiko

    IPINAGKIBIT- balikat ng mga kinatawan ng Kamara ang patutsada ng ilan na wala umanong saysay ang Bagong Pilipinas campaign, isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa mga kongresista, ang dapat tanungin ng mga kritiko ay ang mga taong nakinabang sa bilyun-bilyong pisong halaga ng cash assistance at livelihood program […]

  • SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

    KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.   Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa […]