PNP sinabing ‘essential food’ ang lugaw
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ‘essential food’ ang lugaw kaya papayagan makalusot ang mga nagdi-deliver ng nasabing pagkain.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana anumang uri ng pagkain na legitimate inorder sa panahon ng ECQ dito sa NCR Plus Bubble ay kinukunsiderang essential goods.
Ito ay taliwas sa ginawang aksiyib ng isang barangay tanod na ngayon ay nag viral sa social media kung saan hinold nito ang isang delivery service driver dahil sa paglabag sa essenstial goods and services.
Binigyang-diin ni Usana, maaariny arestuhin ang isang indibidwal kung mayroon talaga itong nilabag na batas.
Paliwanag ni Usana ang pag deliver ng pagkain sa isang requesting party ay maituturing na essential at hindi na kailangan ng LGU-sanctioned ticket sa loob ng NCR bubble.
Hinimok naman ng PNP ang sinuman na aggrieved person ay maaaring lumapit sa pinaka malapit na police station sa kanilang lugar.
-
Ads October 30, 2020
-
Pinas nasa ‘minimal risk’ na
Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula […]
-
Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM
ITINUTURING ng Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan. Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika […]