• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg

MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration  sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5.

 

 

Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, Texas noong Disyembre 10-14 kung lumagay sa pitong magkakatabla sa ika-13 puwesto at mapremyuhan ng $96,800 (₱4.6M) si Saso. Nagkasya lang si Pagdanganan sa $4K (₱192K) sa pagmintis sa cut.

 

 

Ang paligsahan ang ikaapat na para sa taong ito sa 19-anyos at isinilang sa San Ildefondo, Bulacan pagkalipas sumala sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020-21 15th leg at tumabla sa sumunod na mga bahagi sa ika-12 at ika-50 posisyon para sa mga grasyang  ¥1,080M (₱480K) at  ¥400K (₱178K) sa unang tatlong linggo ng nakalipas na buwan.

 

 

Kabubuhat lang ng 23 taong-gulang  at tubong Quezon City na si Pagdanganan sa pitong lumanding sa ika-34 na katayuan  na may $1,061 (₱51K) sa unang laro sa 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship ntiong Marso 26-28 sa Beaumont, California.

 

 

National teaamte sina Saso at Pagdanganan nang mapasakamay ng una ang ndividual gold at ang huli ang bronze bukod pa sa gold team event ng  ‘Pinas sa Indonesia 2018 Asian Games. (REC)

Other News
  • 7 arestado sa buy bust Valenzuela

    Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city.     Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni […]

  • Higit 300K stude sa private school lumipat na sa public -DepEd

    Tinatayang nasa 300,000 estudyante mula sa private school ang lumipat na sa pampublikong paaralan para sa paparating na academic year 2020 hanggang 2021 sa gitna ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd).   “Ang sabi po sa amin ng field officials namin, traditionally ang private schools, nahuhuli mag full blast ng enrollment,” ani […]

  • Ads January 9, 2020